Chapter 13: Message

33 12 7
                                    

MICH'S POV
Saturday.
Nagising ako dahil naramdaman kong may yumuyogyog sa'kin. Inaantok kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa'kin si yaya Mely.

"Yaya its maaga pa" reklamo ko habang kinukusot ang mga mata.

"Pero maam, may bisita po kayo eh" aniya habang kumakamot sa ulo. Eh? Bisita? Sino naman 'yun?

"Ano daw pangalan?"

"Liam Sanchez daw po" literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan niya. Andito siya?!

"ANO?! ANDITO SIYA? BA'T DI MO SINABI AGAD?"gulat na gulat na bulalas ko.

"Maam naman, huli na kayo nagtanong eh"

"Nasan siya?" tanong ko at bumangon agad.

"Nasa baba po nagaalmusal kasama parents nyo," mas nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam nila dad? It can't be!

Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Paglabas ko ay wala na si yaya. Nagbihis ako at nag-ayos ng sarili. Halos iligo ko ang sarili ko ng pabango, hindi na ako nagpulbos dahil maputi naman ako. Naglagay ako ng kaunting liptint at BOOM! ang ganda ko.

Pagbaba ko ay nadatnan kong nagtatawanan sina Mom,Dad at Liam.
Kalma ka lang self!

"Oh gising na pala ang prinsesa namin" nakangiting ani dad.

"G-goodmorning" kabadong bati ko.

"Goodmorning, Jean." bati ni Liam. Shems! Pano kumalma?!

Nginitian ko nalang siya at umupo sa tabi ni Mom. Bago pa man ako makasubo ay may ibinulong ito sakin.

"Anak, andito crush mo, ano ipapakasal ko na ba kayo?" panunukso niya.

"Mom 'wag kang maingay" sabi ko saka nagsimulang kumain.

Sandali kaming binalot ng katahimikan bago nagsalita si Dad.

"Anak, you see, your friend here asks us if he could ask you out on a date" pinagdiinan niya talaga ang salitang 'friend'.

"Pumayag kayo?"

"Yes, I don't want you to be bored and besides may tiwala ako sa'kanya" nakangiting sabi niya. Huhu ba't feeling ko namamanhikan si Liam?

"Oo nga naman anak, i don't want you to make kulong inside your kwarto. That's why i agreed that you'll make pasyal with Liam." sabi naman ni Mom. Sa'kanya ko talaga namana ang pagiging conyo haha.

"Pumayag naman na sila, ikaw ba payag ka, Jean?" tanong ni Liam sa'kin. Nilingon ko siya na noon ay nakangiti ng matamis sa'kin.

"Its okay with me naman, pero bakit ako? I mean there's marami out there that wants to go on a date with you" nahihiiyang sabi ko. Nako! Pabebe mo naman Mich!

"Ikaw 'yung gusto ko eh" tugon niya. Natawa naman sina Mom at Dad, pero heto ako, mukhang kamatis sa sobrang pula.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, pumipili ako ngayon ng susuotin para sa date namin. iiihhh magdedate kami!

Napili ko 'yung high-waist na jeans ko at croptop na spaghetti. Adidas sneakers ko naman ang napili kong para sa paa.

Naligo ako ulit at nagbihis na. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang nagsusuklay at inaayusan ang sarili.

"Oh pak! Ang ganda!" sabi ko sabay posing pa. Narinig ko namang may kumatok sa pinto.

"Pasok!"

"Anak" rinig kong sambit ni Mom.

"Mom, ikaw pala 'yan" nakangiting sabi ko.

"Hindi anak, kaluluwa ko lang ito" natatawang ani Mom. Nakitawa naman ako. Nakangiti niya akong sinuyod ng tingin at parang maiiyak na siya.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now