Chapter 17: Risk

20 4 0
                                    


AERYNNE'S POV
"Sabi ko na nga ba siya 'yung may pakana nito! 'Wag lang talaga siyang magpakita sakin at baka makalbo ko siya!" galit na sabi ni Mich.

"Kumalma ka nga, 'wag tayong magpadalos-dalos." mahinahon kong saad.

"Dapat lang talaga mayroon siyang katanggap-tanggap na rason kung bakit niya ginawa iyon, dahil kung wala ay baka masampal ko siya ng 360°!" aniya.

"How did she even get your USB?" tanong naman ni Gabby. 'Yan din ang ipinagtataka ko, paano niya nakuha ang USB ko eh na'kay Mich ang bag ko?

"Hindi ko din alam," sabi ko.

"And why would she do that?" si Liam naman ang nagtanong.

"I don't know, I just hope that she has an acceptable reason for doing this."

"Baka naman nakuha niya 'yung USB nung iniwan natin saglit 'yung bag mo dahil nag cr tayo?" ani Mich. Napaisip ako. Its not impossible naman na dahil nga doon at nakuha niya ang USB. We don't know what she's capable of.

"Yeah, I think so too." pagsang-ayon ko sakanya.

"But why would she do that?" Liam asked.

"To sabotage her." Gabby answered.

"If she really is confident that she will win, she wouldn't do that." sabi ko.

"I think she did that to you because of me." napalingon ako kay Gabby nang sabihin niya iyon.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

Napabuntong hininga siya.

"She wanted me back but I rejected her that's why she's doing this."

"Pero ano namang kinalaman ko sa nakaraan niyo? Ba't ako nadamay?" I asked.

"Because she knows that I'm courting you, and that I'm willing to do anything to protect you."

"I don't get it." I asked, confused. Eh ano naman ngayong kung nililigawan nga ako ni Gabby? What's wrong about that?

"She's doing this para balikan ko siya." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ohh.." ani Mich.

Ilang segundo pa kaming binalot ng katahimikan nang nakarinig kami ng palakpakan, hudyat na tapos na si Chesca. Nakangisi siyang naglakad papunta sa direksyon namin.

"Hi, I like your song by the way." aniya.

"Why did you do that, Chesca?" diretsong tanong ni Liam.

"Did what?" pagmamaang-maangan niya.

"Don't act like you don't know, Chesca. Stop doing this, please." si Gabby.

"Oh is it abour your USB? sorry, sinadya lang."

"What do you want?" this time, I'm the one who asked.

"You wanna know what I want?" tumaas ang kilay niya at lumapit siya sa tainga ko.

"I want my man back." bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

Nakangisi niya akong tiningnan bago umalis.

"What did she say?" Gabby asked.

"W-wala. Mich, samahan mo nga ako sa CR." hindi na nakasagot si Mich dahil hinatak ko na siya agad papuntang CR.

"Okay ka lang ba, Ae?" tanong niya agad nang makapasok kami sa banyo.

"O-oo naman, kailangan ko lang magretouch." sabi ko, unti-unti paring pinoproseso ang sinabi ni Chesca.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now