Chapter 4: That Feeling

56 20 18
                                    

AERYNNE'S POV
Maaga akong nagising ngayon, hindi ko alam kung bakit. Pumunta ako sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagbihis na'ko. Wala pa rin akong uniform kaya high waist jeans at croptop nalang ang isinuot ko. Pagbaba ko ay andoon na sila lahat, as usual binati nila ako isa-isa. Humalik ako sa pisnge ni daddy at mommy bago umupo sa tabi ni bunso at nagsimulang kumain.

"Goodmorning baby girl." nakangiting bati sa'kin ni Kuya Lex.

Nginitian ko pa muna siya bago bumati pabalik. "Goodmorning Kuya Lex."

"Where's my goodmorning kiss?" bigla ay tanong niya. Dati kasi kada umaga mas goodmorning kiss ako sa'kanila isa-isa. Matagal bago ako makasagot.

"Kuya Lex I'm a big girl na, I don't do goodmorning kisses anymore. Kina mommy at daddy nalang." sabi ko.

Nginusuan niya naman ako. "So what? I'm still your Kuya and you're still my baby sister, our baby sister." tinuro niya si Kuya Z na abala sa pagnguya.

"Kuya naman, I know that. But i'm a grown up na eh." paliwanag ko.

"Tch. Don't you love us anymore?" pasinghal na tanong ni Kuya Lex. Sa tono ng boses niya ay halatang nasaktan siya. Nakokonsensya tuloy ako.

"It's not like that Kuya, but I'm not a baby anymore."

"Yes you are. You're our baby, and you will always be our baby. Nothing can't change that." sabat naman ni Kuya Z. Hindi ko man makitaan ng ekspresyon ang mukha niya, alam kong nasasaktan din siya sa iniaasta ko. 'Yon si Kuya Z, kahit na mas matanda sa'kanya si Kuya Lex, mas seryoso siyang mag-isip.

"Baby, may problema ba?" tanong ni daddy, nilingon ko naman siya at nagbaba ng tingin.

"Wala po, Dad."

"Then why are you suddenly acting like that? Dati-rati nga eh napakasweet mo sa mga kuya mo, what happened Aerynne?" nakaramdam ako ng kaba dahil tinawag ako ni Daddy sa pangalan ko. Usually kasi ay 'baby','princess', at 'baby girl' ang tawag niya sa'kin. Pero ngayo'ng tinawag niya ako sa pangalan ko ay nararamdaman kong nadidismaya din siya. Hindi ako nakasagot at nanatili sa baba ang tingin ko. Kahit ako ay hindi alam kung bakit ganito ang inaasta ko ngayon. What's happening to you Mei?

"Aerynne Meionette." tawag ni Daddy sa'kin. Pero nanatili akong tahimik. Hindi alam ang sasabihin dahil sa hiya.

"Demetrio, honey calm down." pagpapakalma ni Mommy kay Daddy.

"May boyfriend kana?" nagulat ako sa tanong ni kuya Lex. Nag-angat ako ng tingin at doon ko naramdaman ang talim ng tingin niya. Huhu.

"Alexzander Dimitri." saway ni Mommy sa'kanya pero hindi niya ito pinansin, sa halip ay nanatili itong nakatingin sa'kin.

"Meron na nga ba, Mei?" si kuya Z naman ang nagtanong. Hindi ko magawang sumagot, may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"Maximo Zion!" singhal ni Mommy kay kuya Z ngunit nagpatuloy lang ito sa pagkain. Lumunok ako ng lumunok hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita na.

"Wala akong boyfriend." tanggi ko sa'kanila. Lahat sila ay nilingon ako, pati na si Bunso.

"Then why are you acting like that?" kunot-noong tanong ni Daddy sa mas kalmadong tono.

"I'm sorry." sinserong wika ko. "I'm sorry Mom,Dad,Kuya Lex, Kuya Z, and Bunso. I'm very sorry." hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko, hindi ko nga naramdaman na pinangiliran ako ng luha, kusa itong tumulo. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa'kin, paglingon ko ay si kuya Z pala iyon. Tulad ko ay pinangiliran din ito ng luha. Agad kong tinugunan ang yakap niya at humagulhol sa dibdib niya.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now