Chapter 3: HER

60 22 17
                                    

MATTHEW'S POV
Bahagya akong nagulat nang pag angat ko ng tingin ay nandoon pala siya, at nakatitig sa'kin! Nakaramdam ako ng kaunting ilang kaya nilabanan ko ang titig niya para hindi niya ito mahalata. Kumunot ang noo niya na para bang may iniisip siya tungkol sa'kin. Tss assuming ka din eh 'no? Hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong kakaiba, 'yong pakiramdam na kaya ko lang siyang titigan ng buong araw. What did I just say? You're crazy Matthew! Nag-iwas na'ko ng tingin, para akong mababaliw kung tititigan ko lang siya. Maya-maya pa ay dumating na ang Lec at wala siyang nagawa kundi ang umupo at makinig. Dumaan ang ilang subject pero para akong lutang, naglalayag ang isip ko kaya ni isa sa mga lesson ay wala akong naintindihan. What's happening to you Matt?! Hanggang matapos ang klase ay wala parin ako sa sarili.

"Matthew!" tawag ni Mei sa'kin.

"Ha?" hindi ko napansing kami nalang pala dalawa dito sa classroom.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya.

"A-ahh kasi dadaan pa'ko sa Mall." gusto kong sapakin ang sarili ko dahil buong buhay ko, ngayon lang ako nautal!

"Ahh ganon ba?" tumango-tango siya. "Sige! Kita nalang tayo bukas." ngumiti siya ng napakatamis, sobrang tamis na lalanggamin ako. Nababaliw kana talaga!

"Hmm, sige." tipid kong tugon sa'kanya. Tumayo na ako at naglakad paalis.

"Ingat sa pagda-drive!" habol pa niya. Hindi ko man siya nilingon ay batid kong nakangiti na naman siya. At sa tuwing maaalala ko ang mga ngiti niya ay napapangiti nalang ako. Aishh! Ano ba'ng pinagsasasabi mo dyan?! Inis akong nagdrive papunta sa Mall. Naiinis ako dahil sa kakaibang epekto niya sa'kin. Nang makarating ako sa Mall ay nawala ang pag iisip ko sa'kanya. Bumili lang ako ng mga kailangan ko para sa school, bumili na rin ako ng starbucks para pasalubong ko kina mommy.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni mommy ng yakap at halik sa pisnge. Nakakatuwang isipin na kahit College na'ko ay ginagawa parin iyon ni mommy, kahit kay Ate at Kuya.

"Hi baby boy! How's school?" excited na tanong niya sa'kin.

"Maliligo muna ako mom ok? Then we can talk about it during dinner." nakangiti kong tugon sa'kanya.

"Okaaayy!" masigla niyang wika.

Inabot ko sakanya ang pasalubong ko at tuwang-tuwa niyang tinanggap iyon. Hinalikan ko pa muna siya sa noo saka umakyat sa kwarto ko. Pagdating ko doon ay pabagsak akong humiga sa kama ko, nagpahinga akong sandali at naligo. Pagbaba ko ay andoon na silang lahat maliban nalang kay Ate.

"Hi everyone." Nakangiti kong bati sakanilang lahat. Nginitian lang nila ako atsaka ako umupo sa tabi ni Kuya.

"Baby boy, I cooked your favorite ulam, adobo!" abot-tengang ngiting sabi sa'kin ni mommy.

Nginitian ko pa muna siya saka nagsalita. "Talaga? Thanks mom. By the way, where's Ate?" tanong ko sa kaniya.

Tinapos pa muna ni mommy ang pagnguya saka bumaling sa'kin.
"Unfortunately, overtime siya ngayon dahil marami raw pasyente." malungkot na balita ni mommy. Tinango-tanguan ko nalang siya. Binalot kami ng katahimikan bago ito binasag ni Dad.

"Son, how's your first day?" tanong niya. At naalala ko na naman si Mei, at lalo na 'yong mga ngiti niya. Baliw ata ang babaeng 'yon.

"Mm, it's okay." tipid ngiting sagot ko sa'kanya.

"Did you make any friends?", natigilan ako sa tanong niya at nag-angat ng tingin.

"No, I'm not that friendly." tanging sagot ko lang. Ayokong malaman nila ang tungkol kay Mei.

"Wala ba talaga anak? Kahit isa man lang?" si Mommy naman ang nagtanong.

"Wala, eh." nagkibit-balikat ako.

"Talagang wala?"

"Wala talaga, mom."

"Sure?"

Napabuntong-hininga nalang ako. Knowing mommy, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya. Wala akong nagawa kundi ang banggitin nalang si Mei sa'kanila.

"Well, I met this girl and she's my classmate but we're not that close so I don't consider her as a friend--" tatapusin ko pa sana ang sasabihin ko nang pinutol iyon ni Mommy.

"So it's a 'she'?! She's a girl? Ayieee what's her name?" ayon na nga bang sinasabi ko. Ayokong magkwento kay mommy dahil panay ang tanong niya. And when it comes to girls she's very interested.

"Her name is Aerynne Meionette De Villa. She's a new student." pagpapakilala ko sa'kanila. At agad namang nanlaki ang mata ni Mommy.

"I can't wait to meet her!" panay ang tili ni Mommy.

"But i kinda don't like her." Anong 'kinda'?! Hindi mo naman talaga siya gusto!

"But why?" nanlulumong tanong ni Mommy.

"Because...she's weird. She's always smiling and ang kulet niya." napangiti ako nang maalala ko kung pano niya ako kinulet kanina na sumabay sa'kanyang maglunch. Ano bang nginingiti-ngiti mo dyan ha?! agad kong tinanggal ang ngiti sa labi ko para hindi nila iyon mapansin pa.

"So sabi mong hindi mo siya gusto kasi makulet at weird siya. Pero bakit ka ngumingiti jan?" sabat ni Kuya.

"Oo nga baby bunso! Ayieee you're inlove!" ani Mommy na nagpagulat ng todo sa'kin.

"What the?! Inlove? Me? That's too impossible Mom." matigas kong tanggi kay Mommy. Si Daddy naman ay patuloy lang sa pagkain at nakikinig sa usapan namin.

"Eh bakit ka namumula?"

"Ano?! Hindi ah!" ako? Namumula?! No way!

"You're blushing, Matthew Gabriel Ramirez." panunukso ni Kuya sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Stop it, Matrix Ven Ramirez. I don't like her ok? At lalong hindi ako inlove! Not with her! Never!" depensa ko. I'm not inlove! And I will never be inlove! Not with someone like her!

"Pfft. You're being defensive Matt." ani Kuya.

"I'm not!"

"Okay. If you say so." nginisian niya ako.

"Tch!" napipikon talaga ako sa'kanila. Inis kong inilapag ang kutsara't tinidor ko saka tumayo at tinalikuran sila. Narinig ko naman ang bungisngisan nila kaya mas nainis pa'ko pero di ko nalang 'yon pinansin. Pagdating ko sa kwarto ko ay nag-aral muna ako. Paglipas ng isa't kalahating oras ng pag-aaral ko ay napagdesisyonan kong magpahinga na. Ngunit sa paghiga ko sa kama ay naalala ko na naman ang mukha niya, lalo na ang mga ngiti niya. Inis kong tinakip ang unan sa'king mukha at tinanggal lang rin 'yon. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa'kin, hindi naman ako ganito dati, hindi na.


God Aerynne! You're driving me crazy!

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now