Chapter 16: Sabotage

33 5 0
                                    

AERYNNE'S POV
Wednesday.
Ang bilis ng oras, parang kahapon ang ako nanominate as representative ng class namin, tapos mamaya na ang Talent Night. Kinakabahan ako huhu.

"Huy! Ba't ka tulala jan?" panggugulat sakin ni Mich.

"Ano ba! Ba't ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko sakanya. Tinawanan niya lang ako.

"Eh kasi naman, para kang tanga na nakatulala jan," natatawang aniya pa.

"Tss" inikutan ko siya ng mata. "Nag-iisip ako kung anong gagawin ko mamaya sa Talent Night."

"Edi sumayaw ka, magaling kang sumayaw diba?"

"Ayoko. Magaling din naman ako kumanta kaya kakanta nalang ako" nakanguso kong sabi. Totoo naman, magaling din akong kumanta. Namana ko ang talento ko sa pagkakanta kay lola Yenne- lola ko sa mother side. But she passed away when i was 8 yrs old, she had a breast cancer at hindi na kinaya ng katawan niya na lumaban. I miss her so much. Yung asawa naman niya na si lolo Francis ay pumanaw na din dahil sa katandaan. Hays miss ko na silang dalawa. Wala ding naging kapatid si mmy kaya nalungkot at nasaktan siya ng labis nung pumanaw silang dalawa.

"Huy! Ba't tulala ka naman jan?" Iniwave ni Mich ang kanyang kamay sa harapan ko.

"Naalala ko lang kasi si lola Yenne ko, sakanya ko kasi namana ang talento ko sa pagkanta. Namatay siya nung 8 yrs old pa'ko." malungkot kong kwento.

"Oh sorry,"

Nginitian ko siya. "Okay lang 'no, matagal na din 'yun"

"Sigurado akong miss na miss ka na rin niya," hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. "At sigurado din akong napaka ganda niya, ang ganda kaya ni tita Aera tapos ang ganda mo rin"

Natawa ako sa sinabi niya. "Tama ka, maganda nga si lola Yenne, kahit sa nasa katandaan na siya ay lumilitaw pa rin ang ganda niya. Sakanya namana ni Mmy ang maputi at makinis na balat nito at kay lolo Francis naman niya namana ang mata,ilong at pilik-mata. Gwapo rin kasi si lolo Francis" natatawang kwento ko. Kahit matanda na si lolo nung huli ko siyang nakita ay hindi maitatangging magandang lalaki si lolo.

"Naku! Sigurado din akong gwapo at maganda ang mga magulang ng daddy mo! Ang gwapo niya kaya, akala ko nga dati kuya mo siya eh!" natawa siya sa sinabi niya.

"Hmm oo, maganda nga si lola Dianne. Itim at bagsak ang kaniyang buhok, matangos ngunit manipis ang kaniyang ilong, kulay berde ang kaniyang mga mata, hmm ano pa ba? Mestiza din siya at namula-mula ang kaniyang labi at mga pisnge." nakangiti kong inalala ang mukha ni lola Dianne.

"Wow! Base sa kwento mo, maganda nga siya. Ang lolo mo?" curious na tanong niya. Napailing-iling akong nakangiti.

"Hmm si lolo Millo naman, chinitong lalaki. Singkit ang kaniyang mga mata ngunit makapal ang mga kilay. Matangkad siya at katamtaman lang ang payat ng katawan. Manipis ang kaniyang labi pero namula-mula naman. Half korean siya, yung mama niya ang korean at pinoy naman ang kaniyang tatay." kwento ko. Woooh! Ano 'to story telling contest?

"Woowwww! Grabe pogi rin pala ang lolo mo, no wonder ang pogi din ng daddy mo!" namamanghang aniya. "Nasaan sila ngayon?"

Bigla akong nalungkot sa tanong niya.

"Nasa Korea sila ngayon eh, 'dun na sila namalagi simula nung ikasal si mmy at ddy. Pero umuwi sila dito nung pumanaw si lolo Francis at 9 yrs old ako 'nun, that was the last time i saw them. Hindi rin naman sila makauwi kasi medyo matanda na rin sila at mahina na ang katawan." napabuntong hininga ako.

"Edi ikaw ang pumunta 'dun!"

"Soon." nakangiting sabi ko. Plano ko talaga pagpunta kong Korea is syempre makipag bonding sa lolo at lola ko tapos pumunta sa concerts at fanmeets ng favorite kpop groups ko hihi lalo na ang BTS yeiieeee!

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now