Chapter 8: She's back

47 18 7
                                    

AERYNNE'S POV
"I love you." talagang natahimik ako nang sabihin 'yan ni Matthew sa'kin. Para iyong sirang plakang nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Tapos ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang ang layo ng tinakbo ko. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Mei?" tawag sa'kin ni Matt na nagpatinag sa'kin.

"H-ha?" (hatdog char haha) nang salubungin ko ulit 'yong mga mata niya ay mas lumakas ang kabog ng puso ko.

"Ba't natahimik ka bigla?"

"A-ahh haha wala," sagot ko saka umiwas ng tingin.

"Dahil ba sa 'i love you' ko?" kahit hindi ko siya tignan ay batid kong nakangisi siya. Feeling ko tuloy ang pula ko.

"Hindi ah!" tanggi ko pa. Suuus Aerynne! Sino niloko mo aber?

"Pfft. You're blushing." natatawang aniya. Huhu napansin niya 'yon?

"Ako? N-nagbablush? Hindi kaya."

"Kaya pala namumula ang mga pisnge mo?" napahawak naman ako sa pisnge ko. Namumula ba talaga ako?

"Hindi naman ah." Sige pa! Deny pa!

"You're so cute." pinisil niya ang mga pisnge ko saka iyon iniharap sa'kanya. Ang gwapo niyaaaa! "I think i'll just call you 'Rynne'." nakangiting sabi niya.

"Rynne? Bakit Rynne?" taas-kilay na tanong ko.

"Andami ko kasing kaagaw sa 'Mei' eh. Kaya 'Rynne' nalang para ako lang ang pwedeng tumawag sa'yo 'non." napangiti nalang ako sa sagot niya.

"Edi Gabby nalang din ang itatawag ko sa'yo." nakangiting sabi ko. "Rynne at Gabby oh diba ang cute!" sabay kaming natawa sa sabi ko.

Sabay kaming kumain ng lunch break. Andaming bulong-bulongan sa paligid pero hindi ko na 'yon pinansin. Sabay na din kaming bumalik sa classroom para sa next subject. At pagpasok namin ay hindi namin naiwasan ang mga mata na nakapako sa'min at mga usap-usapan. Bahala kayo jan, humaba sana mga nguso nyo tas mamaga at pumutok HAHAHA!

Hanggang sa matapos ang klase tawa kami ng tawa ni Gabby. Charr may nickname na! Kami nalang dalawa ni Gabby ang natira sa classroom dahil lumabas na lahat ng mga kaklase namin.

"Gabby mauna na'ko ah baka kasi naiinip na si Xian. 'Yong kapatid ko ha!" pinagdiinan ko talaga 'yong word na 'kapatid'. Natawa naman siya.

"Psh. Yeah right. See you tomorrow, Rynne." nakangiting sambit niya, napangiti naman ako.

"See you tomorrow, Gabby." paalam ko. Pagdating ko sa parking lot ay andoon na si Xian, tila naiinip na kakahintay. Kahit kailan talaga ang ikli ng pasensya niya. Tsk tsk.

"Ba't ang tagal mo?" 'yon agad ang sabi niya nang makalapit ako.

"Hindi ako mabagal, sadyang mas maaga lang kayo pinapauwi." sabi ko saka pumasok na sa kotse. Pumasok na din siya at nagdrive.

Pagdating ko sa bahay ay wala si Mommy at Daddy. Tinanong ko naman si Yaya.

"Yaya where's Mom and Dad?" nagtatakhang tanong ko.

"Ahh maam kasi po may business meeting sila sa Baguio, biglaan po kaya hindi na sila nakapagpaalam." sagot niya naman. Tumango-tango nalang ako saka umakyat sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ko ay humiga agad ako. Haaay, what a day! Napangiti naman ako nang maisip ko si Gabby. Aishh ano ka ba Aerynne? Ngiti ka ng ngiti jan! hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

MATTHEW'S POV
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ko ng yakap si Mommy.

"Oh why are you smiling? May maganda bang nangyari?" nanunuksong tanong ni Mom.

"Meron nga. And i'm so happy right now." nakangiting sagot ko.

"Hmm kwentuhan mo'ko mamaya ah." excited na aniya.

"Okay, I will." hinalikan ko pa muna siya sa noo saka umakyat na sa kwarto ko. Napahiga ako sa kama at napabuntong-hininga. What a beautiful day~ Napangiti naman ako nang maalala ko si Rynne lalo na 'yong mga ngiti at tawa niya, para iyong apoy na nagpapalanay sa mala-yelo kong puso. Oh ang corny!

Habang nag-iisip ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Unknown Number? Sino 'to?

"Hello?"

;Matthew

Mukhang pamilyar 'yong boses niya..

"Sino ka?

;Its me.

Pamilyar talaga eh..

"Who?"

;Its me, Chesca.

No..

It can't be...

;I'm back.

She's....back?

Chesca's back?...

No way..

Hindi pwede...

Chesca.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now