Chapter Three

179K 2.5K 343
                                    

Chapter Three


"Galit ka pa rin ba?"

Hindi ko alam kung ilang beses ko na tinanong ito sa kanya pero halatang inis pa rin sa akin si Nico kahit ilang beses pa niya sabihing hindi na siya galit sa akin.

Aminado akong may kasalanan ako. Kasi sino naman ang hindi magagalit kapag kinausap ng girlfriend mo ang ex-girlfriend mo out of the blue? I get it now why he was mad, pero kanina it seemed like a good idea.

Tsaka para sa kanya, mukha raw wala akong trust sa kanya. Ano raw ba ang dapat kong malaman sa ex niya na hindi ko pwedeng itanong na lang mismo kay Nico?

"Hindi ako galit. I'm just not okay with what you did," sagot niya habang nakatingin somewhere else.

Napabuntong hininga ako. "Look, Nico. Hindi ko naman alam na mamasamain mo yung pakikipag kaibigan ko sa ex mo," pagpapaliwanag ko. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo, she's just mabait kaya nakipag kaibigan ako. Siya rin naman ang nag-approach sa akin," dagdag ko pa pero parang walang narinig si Nico.

Ito ang isa sa mga problema namin, kapag buo na ang nasa isip niya... hindi na mababali. Kapag galit siya, galit siya. Tatahimik 'yan at hindi ka papansinin hanggang sa manigas ka sa cold-shoulder treatment niya.

Niyakap ko siya kahit nakatalikod siya sa akin. "Sorry na," I murmured against his shoulder. Siguro naman kaunting lambing lang ang katapat nito?

Hindi pa rin niya ako pinansin. What the hell is wrong with him?

Tinakpan niya ang mukha niya ng kanyang kamay at nilamukos. "Feeling ko ang sama ko."

"Bakit naman?" maingat kong tanong. Bahagya akong naalarma sa sinabi niya.

Tinanggal niya ang kamay sa mukha niya. "May mali sa atin, Daph," sabi niya habang iniiwasan akong tignan.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinaharap siya sa akin. "Bakit nga, Nico? Gusto kong malaman kung bakit mo nasabi 'yan." I held his face with both of my hands. "Kailangan kong malaman kung anong meron," I pleaded to him.

Nagdalawang isip siya saglit pero nagsalita rin siya. "Hindi na ako... sigurado sa relationship natin," sabi nito pero hindi pa rin niya nakuhang tumingin sa akin ng diretso.

Napabitiw ako sa kanya. Pakiramdam ko ay binuhusan ako nang nagyeyelong tubig. "Why?" I managed to ask.

Yumuko siya. "I don't know. Naguguluhan ako, Daphne."

Nararamdaman ko ang mabilis na pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. "Hindi ka na ba masaya sa akin?" Hindi siya sumagot. "Naging seryoso ka ba sakin?" I asked once more.

Tinignan niya ako nang masama. "Of course, I'm serious with you!"

"Mahal mo pa ba ako, Nico?" I asked quietly. My heart stopped as I wait for his answer.

"Oo," tahimik niyang sagot.

Imbes na makahinga ako nang maluwag, lalong sumikip ang dibdib ko. Mahal niya ako. Seryoso siya sa akin. Pero hindi na siya sigurado sa akin? Hindi ko siya maintindihan!

"Anong nang gagawin natin?" tanong ko sa kanya. Hindi siya kumibo, ibig sabihin ay hindi rin niya alam kung anong gagawin.

"Siguraduhin mo muna kung mahalaga pa ako sa'yo, Nico. Mukhang hindi ka pa sigurado sa akin."

This time ako naman ang hindi tumingin sa kanya dahil nag-umpisa nang bumagsak ang mga luha ko.

"This is my entire fault, Daphne. Huwag ka nang umiyak please," narinig kong sabi niya habang tinatapik ang likod ko.

Oh my God. May problema nga siya. He can't even touch me properly! I rarely cry in front of him and when I do, he always hugs me pero tignan mo ngayon! I'm crying because our relationship is on the brink of falling apart. Hindi man lang niya ako mayakap!

Sinubukan kong tumigil sa pag-iyak. "Break na muna tayo?"

Hindi ulit siya umimik. "Nico, ayokong mag break tayo." Nag-umpisa ulit akong umiyak. "Dahil kapag nag-break tayo, break na talaga tayo. Wala ka nang babalikan."

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Ayokong dumating sa point na bigla akong magbabago."

Can't you see, Nico? Nagbabago ka na. You're not like this! You were never like this!

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga pisngi ko. "What should we do? Either we work this out or we break up."

Hindi siya umimik. "Nico, it's your choice."

"Ayokong dumating yung time na masasaktan kita ng sobra. Paano kung tumagal nga tayo pero wala naman na talagang feelings? Paano kung ayawan mo na ako?" Sunud-sunod niyang tanong. Voicing out all his doubts about his feelings with me and our relationship.

"Mamili ka na. Magbi-break tayo or hindi."

Hindi pa rin siya umimik.

"Can't you see, Nico? Either way masasaktan mo rin ako. Hindi mo masasabi kung mas masasaktan mo ko sa future or kung ako pa pala ang makakapanakit sa'yo but we shouldn't give up." Sinubukan kong ngumiti at pagaanin ang tono ko. "What if masaya naman pala at wala tayong poproblemahin sa future?"

Umiling siya. "Maganda siguro kung magpahinga muna tayo."

I felt my heart was being crushed... again. For the third time.

"Mag break na muna tayo, Daphne." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwasan kong dumapo ang kamay niya sa akin at tumayo na.

I looked straight into his eyes. "Wala na dapat 'muna'. Kapag break na tayo, break na talaga tayo," I whispered, my voice hardening.

He tried to reach out. "Daph, I'm so sorry. Kasalanan ko lahat nang ito." I swatted his hands.

"Goodbye, Nico." I said before walking away.

Hindi na ako pumasok the rest of the day. Para saan pa? Wala rin naman akong ganang makinig tungkol sa mga bacteria and microorganisms. Wala ring papasok sa isipan ko dahil punung-puno ito ng 'what-ifs' at 'what-could-have-beens' dahil sa biglaang break-up namin ni Nico.

Hindi ko rin gusto na makihalubilo sa tao. Hindi ko kakayanin kapag tinanong nila kung bakit namumugto ang mga mata ko.

At ayoko ring makita ang mukha ni Nico because I know I would fall apart.

Pagkadating ko sa condo ko ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto. Hindi ko na pinansin ang mga tao na nakaupo sa may couch sa sala. Binalibag ko ang pinto ng kuwarto ko at agad na humiga sa kama ko. Doon ako umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako nang makarinig ako nang katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko ito pinansin. "Daph, anak?"

Boses ni Daddy. Great. Just great.

"Go away!" sigaw ko, my voice muffled by the pillow covering my face.

"Daphne, what's going on?" I heard him ask.

"I said go away!" I shouted.

He didn't go away. "Anak..."

Umupo ako nang maayos at humarap sa naka-lock kong bedroom door. "My boyfriend and I broke up! Masaya ka na't alam mo? Another guy chose to break my heart again!" I yelled at him. "Hindi pa ba sapat na may tatay akong katulad mo? I have to endure your kind, too?"

I heard something slumped against my bedroom door. "If only you would listen to me, Anak—"

Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Just get out of my condo if you can't get out of my life! I don't want to deal with you right now, Dad."

He didn't say anything but I felt him go.

Great. Just great.

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon