Chapter Thirteen

11.5K 418 134
                                    

Chapter Thirteen


From: Mitchell

Sorry for the late notice!

Won't be able to drop you off at your place.


I sighed in disappointment. Hindi ko naman pwedeng sungitan siya dahil hindi ko naman siya totoong boyfriend. Wala talaga siyang obligasyon sa akin. He just promised me that he'll send a text kapag hindi niya ako maihahatid. Which he just did.

'Okay lang. I'll text my driver na lang. Ingat!' I replied to his text. Then immediately texted our driver to pick me up here at school. Knowing na matatagalan pa si Manong, I decided to roam around the campus to pass the time.

Dinala ako ng mga paa ko sa Lover's Lane.

Parang kailang lang si Nico ang kasama ko rito. Pero ngayon, gulu-gulo na lahat. I am with Mitchell now–although our relationship is fake. Idagdag pa natin sa eksena si Lourd na nagbantang gaganti sa ginawa ko sa kanya kagabi.

God, why did I do that to him?

Ano ba sa tingin ko ang mangyayari nung ginawa ko yung prank? Titigilan niya ako? Ususumbong niya ako kay Mommy? 

Pinalala ko lang ang lahat.

I sighed again as I sat down at the nearest park bench. Kukunin ko sana ang microbio book ko nang biglang may mga babaeng sumulpot sa harapan ko. Napatigil ako sa ginagawa ako at tinitigan lang sila.

"Hi," bati ng nasa unahan nila. Mukhang siya ang leader ng grupo nila. "You're Daphne Villareal, right?"

Napakunot nang bahagya ang noo ko bago ako tumango. Paano nila ako na kilala? "Yes. Can I help you with something?"

Ngumiti silang lahat sa akin. Para bang na-excite sila sa pag-kumpirma ko ng katauhan ko. Weird. 

"Okay lang ba if mainterview ka namin?" tanong ng leader nila. "I'm Rita, by the way."

"What for?" tanong ko bago ngumiti sa kanila. I still kept an eye out pa rin sa mga kagrupo niya dahil meron talaga silang weird vibes.  

"School paper. Music major kami," sagot ni Rita bago siya biglang umupo sa tabi ko. "We'll just ask you about music stuff."

Napaurong ako nang bahagya. "Oh. Okay."

I don't feel good about this. I don't like it when strangers invade my personal space. Pero ayoko rin namang maging rude at biglang lumayo. Baka rin mali naman ang iniisip ko sa kanila.

"Are you a fan of Pinoy rock bands?" unang tanong ni Rita.

Umiling ako. "Not really. I also listen to old rock songs because of my Dad."

"Wala kang gustong Pinoy rock band?" agad na follow-up question nito. 

Lalong lumaki ang paghihinala ko dahil napapansin kong wala sa kanila ang nagti-take ng notes at parang walang sinusundang questionnaire si Rita sa pag-iinterview niya sa akin. 

"Uhh... I don't know. I've got no time to listen to the new ones," I answered distractedly.

Napansin ko ang pasimpleng paglingon ni Rita sa mga kasama niya, para bang may senyasang naganap sa loob lang ng ilang segundo. 

"Familiar ka ba sa indie rock music scene dito sa Pilipinas?"

"No..."

"May favourite kang new rock song?" sabat ng isa sa mga kasama ni Rita.

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon