Chapter Eight

121K 2.6K 696
                                    

Chapter Eight


Tumayo ako sa kama at lumayo dito. Napatingin ako sa katawan ko, may suot akong malaking shirt at basketball shorts. Lumingon ako sa paligid at hindi ko makita ang purse, damit at shoes ko kagabi. Where the fuck are my things?

And speaking of last night, nakauwi kaya nang maayos sina Audrey at Gail?

"What are you looking for?"

Napatingin ako kay Lourd. Nakahiga na uli siya sa kanyang kama at nakapwesto ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya. And he's shirtless! For goodness sake's, nakaboxer lang .

"Pwede ba, before mo ako kausapin ayusin mo muna yang morning wood mo!" sigaw ko sa kanya while pointing at the situation under his frigging boxers.

He shrugged. "Okay, sabi mo e." Umakma siyang ibababa ang boxers niya nang mapatili ako.

"Sa CR mo ayusin 'yan!" sigaw ko sabay talikod. "Now, sabihin mo sa akin kung nasaan ang mga gamit! I need to go home na," sabi ko sa kanya habang lumilibot ulit ang paningin ko sa kwarto niya.

Napatigil ako nang makita ko ang picture naming dalawa sa bedside table niya. Naaalala ko pa noong huling beses na nakita ko ito. Iyon yung umagang nagising ako na umalis na siya. Napakuyom ako ng kamay.

Shit. Nakakalimutan mo na ata, Daphne. Hindi ka dapat maging kampante sa lalaking 'yan. He's not the same Lourd you once knew. He's obviously changed. Siguro gawa na rin ito ng paglaki niya sa ibang bansa.

"Are you done remembering you're mad at me?" Nagulat ako sa tanong niya. Napalingon ako sa kanya. He's decent na. Naka-basketball shorts na siya at naka-shirt na din.

"Ano? Tinatanong kita kung naalala mong galit ka pa rin sa akin," he said grinning. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Sinampal ko ang kamay niya at lumayo sa kanya.

Tinalikuran ko na siya at akmang papunta sa CR. "Hindi ko naman nakalimutan 'yun."

It was supposed to be a parting shot. Pero hinila niya ako pabalik sa kanya. Napakalapit namin sa isat-isa. Halos mabilang ko na ang stubbles niya sa sobrang lapit. Napatingin ako sa mga mata niya. Napansin kong nakatitig siya sa labi ko kaya napatingin na rin ako sa labi niya. He wet his lips before saying, "If you didn't forget, why'd you let me kiss you so damn long?"

Akala ko ay hahalikan niya ako pero nagulat ako nang buksan niya ang pinto sa likuran ko. "Sige na. Go do your morning rituals." Itinulak niya pa ako papasok sa loob at siya pa ang nag-lock at nagsara ng pinto. I looked around, nasa CR na pala ako.

Shit. Natameme ako dun.

Nakakahiya.

Napatalon ako nang magsalita siya from the other side of the door. "There are fresh towels there. Pinalabhan ko kila Manang yung clothes mo last night. They're here in my bed."

I huffed. Bakit hindi kaagad binigay sa akin kanina? Gusto ata niya akong makitang naka-towel lang.

I heard him chuckle. "Don't worry, sa CR ng guestroom ako maliligo. I won't be here to ogle you."

I almost punched the door sa sobrang inis ko. Buti na lang I contained myself. "Okay. Thanks," I said haughtily.

"We'll leave after we eat. Ihahatid na kita sa condo mo," he shouted before I heard a door closed.

I sighed in defeat. Hawak ko pa baa ng buhay ko? Why can't I decide for myself all of a sudden?

***

"You're so skinny. You need to eat more," Lourd said while eyeing my food choices. Inirapan ko siya. Hindi porket pinalampas ko yung mga ginawa niya sa akin kanina ay pagbibigyan ko din siya pagdating sa pagkain ko.

At ano bang problema sa choices ko? Anong masama kumain ng fruits para sa agahan?

"Mind your own business," I said as I nibbled a slice of watermelon.

He put his utensils down and glanced at me. He actually looked bored. "You're my business."

I scoffed at him. "What makes you think na I'm still your business?"

"You're mine," he said with a shrug.

Kung hindi lang masamang batuhin siya ng baso, kanina ko pa ginawa sa sobrang inis ko sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin. Alam ko naman sa sarili ko na I will never be his again. Not now, not ever. After ng araw na ito, everything will be back to normal. Hindi ko na siya kakausapin pa at hinding-hindi na ako magpapatalo pa ulit sa kanya.

"Sa condo mo ba kita ihahatid or sa house ng parents mo?" he asked. Kung saan niya nalaman na nakabukod na ako sa parents ko, hindi ko alam. Maybe he stalked me. But I don't really care.

I shrugged. "Okay na kayo ni Ninong Mark?" he asked. I stilled but managed to relax again.

I shrugged again. Ayokong sumagot dahil alam kong hahaba ang usapan kapag narinig niya pa ang totong sagot ko. Gusto ko na lang na matapos ang araw na ito. Gusto ko matulog sa sarili kong kama at huwag nang magising pa.

I heard him sigh. "I bet hindi mo pa rin siya pinapag-explain. Like what you're doing to me."

He's baiting you para magsalita, Daphne. Don't speak. Just eat.

"You're scarier when you're quiet," he started. Binaba niya yung utensils niya at uminom ng coffee niya. Nagsalita ulit siya after ibaba ang mug niya. "Mas gusto ko pa kapag naninigaw ka. At least, by getting a rise out of you nagkakaroon tayo ng physical contact. And then, hindi mo mamalayan I'm already kissing you senseless."

Naramdaman kong uminit yung pakiramdam ko. Yung face ko parang sasabog na dahil sa init. Yung mga lumalabas talaga sa bibig niya.

"Naaalala mo ba yung kiss natin kanina? You're biting your lower lip e," sabi niya habang nakangisi. Tinignan ko siya nang masama. Ngumiti siya pero parang malungkot yung mga mata niya.

Shit. Ayoko kapag ganyan siya. Nung mga bata pa kami, nagiging ganyan lang yung ngiti niya kapag nag-aaway yung Mom at Dad niya, kapag nababasted siya, kapag may failed exam siya or kapag nagagalit o naiiyak ako dahil sa kanya.

"If I explain today, will you hear me out?" he asked. Hindi ako umimik pero hindi ko tinanggal yung tingin ko sa kanya. "Okay. I can see that you're not ready yet. I'll wait for the day na kaya mo na makinig sa explanation ko. But please, don't push me away again," he pleaded.

Nararamdaman ko, yung galit ko nagre-resurface na. Hindi ko na mapigilang hindi siya pagsalitaan.

"And for what? Para saktan ulit ako? Pag okay na, aalis ka ulit? Iiwan mo na naman ako?" I seethed. Napakuyom siya ng panga. "Okay na ako, Lourd. Okay na ako na hindi ka bumalik."

Umiling siya. "You're not okay. Okay na ba yan sa'yo? Ang tagal kong nawala pero hindi pa rin kayo ayos ng family mo! And your choices in men! It's fucked up!" sigaw niya pabalik.

Binagsak ko yung utensils ko. "Do not question my choices! Baka nakakalimutan mo, I had chosen you before! You are my very first regret!" Hindi ko na kinaya pa at tumayo na ako. "Ihahatid mo ako diba? I wanna go home now." Umalis na ako sa harapan niya. Dumiretso ako sa living room nila at kinuha doon ang purse ko. Hindi ko siya hinintay makasunod. Pumunta ako sa garage nila at doon siya hinintay.

Tumatakbo siya papalapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko, hindi ko siya tinignan. I looked everywhere but him. Baka masuntok ko lang siya kapag natitigan ko ang muka niya.

"I'm sorry," he said, out of breath.

Napailing ako. "The last time na naniwala ako sa nagsabi niyan, I almost got raped."

He sighed. "Huwag mo naman akong itulad sa kanya. Unfair e," he said before niya ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan. "C'mon, Daph. Let's get you home."

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon