Chapter Nine

111K 2.3K 376
                                    

Chapter Nine


Maling desisyon ang pagpasok ko ngayon. Dapat hindi lang isang araw ang ipinagpaliban ko sa pagpasok. Dapat pala at least one week akong hindi pumasok at hinayaang humupa ang balita. Sino nga ba ang hindi kami pag-tsitsismisan? Grabe ang mga lumabas na balita.

Una, ang mga issues na kumalat dahil sa pagiging kiss-and-tell ni Nico. Pangalawa, dumating si Lourd at ipinakita sa lahat ang pagiging territorial niya pagdating sakin. At ang pangatlo at ang pinakamatindi sa lahat, ang attempted sexual assault na nangyari between sa amin ni Nico at ang pagsagip sa akin ni Lourd sa house party nito.

Natakot ako lalo kay Lourd nung tinotoo niya ang sinabi niya, nagsumbong siya sa parents ko. Doon ko lang rin nalaman na matagal na palang ng parents ko na nandito na si Lourd.

Nagpupuyos sa galit si Dad nung nalaman niya ang nangyari.

Aniya, pinagkatiwalaan niya ako kay Nico. Si Mommy naman, umiyak nang umiyak. Hindi niya daw inakala na magagawa sa akin 'yun ni Nico. Kahit minsan lang sila nagkita, magaan daw ang loob niya rito. They both said that they should have known better.

Dad tried to hug me once pero umiwas ako. Hindi ko sinasadya iyon, really. I think it was my knee-jerk reaction. He tried not to show it pero I saw the hurt in his eyes. Sinubukan kong pigilan pero na guilty talaga ako. May nagawa man siyang mali sa amin ni Mommy at sa mga kapatid ko, he was still my father. Pero hindi ako nag-sorry. I wasn't ready for that. Ayokong maging daan iyon para mag-reconcile kami. Ayoko.

Hindi ko na ako nakatiis. Umalis na ako sa classroom at nagdesisyong huwag pumasok sa susunod naming subject. Dumiretso ako sa Botanical Garden ng school at doon nagtago. Sa may tagong part nito ako naglagi.

Itong pwesto ko, masasabi kong teritoryo ko ito. Dahil every time na nandito ako, peaceful. Kalmado ako at nawawala ang problema ko kahit sa saglit na oras lang. Kapag nandito kasi ako, wala akong kasama. Ako nga lang ata ang nakakaalam sa lugar na ito.

Napalingon ako sa gilid nang makarinig ako ng kaluskos. Muntik na akong mapasigaw sa gulat pero tinakpan ng lalaki ang bibig ko.

"Shh! Miss, huwag kang sumigaw! Please!" pabulong niyang saigaw sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Fresh pa rin sa akin ang ginawa sa akin ni Nico kaya agad akong binalot ng takot. Sinipa ko siya. Hindi ko alam kung saan ko siya nasipa. Agad akong tumalon palayo sa kanya. Natumba pa ako dahil may malaking batong nakaharang sa daan.

"Huwag kang lalapit sakin!" sigaw ko sa kanya. Nagpa-panic dahil hindi ako makatayo kaagad. Nanlambot kasi ang lower limbs ko dahil sa takot.

"Shit! Ang sakit!" sabi niya habang iniinda ang sakit ng tiyan niya. Doon ko pala siya nasipa. Pinilit niyang tumingin sa akin. "Miss! Wala naman akong balak gawing masama sa'yo. Wag ka lang sana maingay dahil mahuhuli ako ng mga humahabol sa akin!" sabi niya habang sinusubukang makaupo.

Nanlaki ang mga mata ko. Masama nga siyang tao! Someone's chasing after him!

Nabasa niya ata ang naiisip ko. "No, miss. Hindi ako masamang tao. Hinahabol lang ako ng fan girls ko," sabi niya habang lumilinga sa paligid.

FAN GIRLS?

Sisigawan ko sana siya dahil napakaimposible ng mga sinasabi niya nang bigla kaming makarinig ng mga boses. Napatingin ako sa lalaki, namutla siya. Nagtilian ang mga ito nang malakas.

"Nasaan na ba si Mitchell?! Hindi ko pa siya nakukuhaan ng picture!" rinig ang frustration sa boses ng babae. Napatingin ako sa lalaki. Sumensyas siya na manahimik ako.

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon