Chapter Seven

138K 2.5K 430
                                    

Chapter Seven


I tried everything in my power na mag lie-low muna sa school. Nagtago talaga ako. I avoided the two guys who are now basically the bane of my existence. I wasn't even sure kung nag-aaral na rin sa university namin si Lourd!

Ang funny no? Masyadong mapaglaro ang tadhana.

Dati lang halos sa kanilang dalawa umikot ang mundo ko. Noong high school years ko, si Lourd ang palagi kong kasama at ngayong college naman ay si Nico.

Pero anong nangyari sa kanilang dalawa? Why do they have to do those things to me?

Lourd just left and Nico betrayed me. I really have a poor taste in men. I thought naka-jackpot ako at first but then, they turned out to be assholes.

Dahil iniiwasan ko sila, hindi ako sa cafeteria ng university kumain. Lumabas pa ako ng uni para makapaghanap ng makakainan na alam kong hindi ako masusundan ng dalawa. Pero sadyang malas yata talaga ako.

I was about to place my tray on my table when someone sat on the seat in front of me. Tinignan ko kung sino ito.

Si Nico.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Pinulot ko ulit yung tray ko. "Umalis ka nga dito!"

Sumimangot siya. "Hindi mo naman pag-aari itong restaurant na to."

Pakiramdam ko umakyat lahat ng kumukulong dugo sa ulo ko. "At bakit ikaw? Pag-aari mo 'to?" pagtaray ko sa kanya. "At ano ba kasing ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Kahit kailan talaga ay sinungaling siya. Matagal ko na dapat napansin iyon sa kanya.

"Hindi kita sinusundan," he started. "Sadyang dito lang din ako kakain ngayong lunch break."

I glared at him. "Really? Talagang dito ka pa mismo kakain? Sa table na obviously io-occupy ko?" I looked around and pointed at the empty tables. "Samantalang maraming empty tables dito!"

He sighed. "Fine. Sinundan nga kita," he finally admitted.

"Why?" I asked without missing a beat.

Tumayo siya at kinuha yung tray ko at nilapag niya ito sa table. "Have a seat first," he said. Umupo na lang ako para matapos na.

I crossed my arms in front of my chest. Tinaasan ko na rin siya ng kilay for good measure. Napabuntong hininga ulit siya. "Well, I want to say sorry for everything," umpisa niya.

Hindi ako umimik at hinayaan siyang magpatuloy pa. Let's hear kung paano siya hihingi ng tawad and how will he show his fake sincerity.

"Ayoko na ng away. Alam kong ako talaga yung may mali dito. Hindi sa akin nanggaling yung mga tsismis. I promise!" My jaw clenched at the mention of the word 'tsismis'. "I swear, really. Ang mali ko lang ay sinabi ko na first kiss mo ako. I shouldn't have told them kung anong nangyayari sa private moments natin. I'm sorry din dahil hindi ako nag-deny nung kumalat at nag-iba na ang mga version ng kwento ko. I thought kapag wala akong sinabi, huhupa kaagad yung mga rumors about us."

I inhaled deeply and looked away from him. "I'm so sorry. Hindi ko gusto itong nangyayari sa atin. Nasaktan na natin ang isat-isa ng sobra. Gusto ko lang naman na matigil na itong away natin."

"I'm not yet ready na patawarin ka. You've done so much damage, Nico." Tinignan ko siya nang masama. Kailangan niyang matanggap na hindi siya ganun kadaling patawarin.

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon