Chapter Fifteen

18.7K 521 330
                                    

Chapter Fifteen


Isang linggo na ang nakakalipas mula noong inuwi ako ni Lourd sa bahay nila. Hindi pa rin kami nagkikita after that. Walang chance dahil hindi nawala sa tabi ko si Mitchell for the whole week. Walang dahilan para samahan niya ako. Hindi niya rin binisita ang mga kapatid ko.

Wala rin naman akong balak magpakita sa kanya.

Pero laking gulat ko nang makasalubong ko siya noong papasok ako sa loob nang bahay namin. Galing ako ng university at sobrang pagod ang utak ko sa pag-aaral. Kaya naman nang makita ko ang kabuuan niya ay napatitig lang ako. Mukha siyang bagong ligo. As in fresh from the bathroom talaga at may nakapulupot lang na tuwalya sa bewang niya.

"What the hell?" I sputtered when I realize I was ogling him.

"Oh, back from school?" lang ang tanong nito.

Hindi ko ito sinagot. Instead, I asked about his state of undress. "Bakit naka-towel ka lang?"

Lourd shrugged. Halos atakihin ako sa puso dahil akala ko ay mahuhulog ang towel niya.

"I just got out from the shower. The shower head in my room was broken so I had to take a shower in the pool house instead."

Halos umabot sa hairline ko ang aking mga kilay nang tumaas ang mga ito. "And you didn't bring a change of clothes there?"

"I forgot." Tinignan niya ang kanyang katawan. "Does it bother you?"

"Yes," mabilis kong sagot. Ayokong magsinungaling. Pagod ang utak ko. At isa pa, marami pang ibang issue na kailangang pag-usapan bukod sa pagiging hubadero niya. "Anong ginawa mo rito?"

Itinaas niya ang kanyang ulo para matignan ako sa aking mga mata. Kitang-kita ko ang dahan-dahang pagporma ng ngiti niya. Hindi tuloy ako nakaatras nang humakbang siya papalapit sa akin at bumulong. "You better ask your parents."

Tinitigan ko lang ang bibig niya habang sinubukang mag read-between-the-lines. He was here downstairs to shower dahil sira daw ang shower head sa room niya.

Wait a goddamned minute.

Tumaas ang mga mata ko at nakipagtitigan sa kanya. "You said 'my room' kanina as if dito ka talaga nakatira."

He continued to flash his smug smile. "Like I said, you better ask your parents."

Fine.

Tinulak ko siya sa kanyang dibdib para mapaatras siya. "Tumabi ka nga diyan."

Agad siyang umalis sa harap ko matapos ko siyang itulak. Dinaan ko lang siya at dumiretso sa office ni Dad.

"Dad?" tawag ko sa kanyang habang kumakatok sa pinto ng kanyang office dito sa first floor ng bahay.

"Come in, Daphne." Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa kanyang office nang marinig ko ang permission ni Dad.

"What can I do for you, anak?" tanong ni Dad habang inaayos ang mga papeles sa kanyang mesa.

Umupo ako sa upuang nakatapat sa kanyang office table. "Why is Lourd here?" tanong ko nang maging magkapantay na kami ni Dad.

Ngumiti siya sa akin. "He'll be staying with us now."

"What? Why?"

"Because he's family," simple nitong sagot.

I couldn't help but scoff. "May sarili siyang pamilya at bahay. Hindi niya tayo kailangan, Dad."

Dad sighed. "Inaanak ko siya, Daphne. I have to look out for him habang wala ang parents niya dito sa Pilipinas."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Why now? Matagal na siyang nakauwi dito. Bakit ngayon pa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon