Chapter Fourteen

15.6K 426 174
                                    

Chapter Fourteen


Apat na araw na kaming hindi nagkikita ni Lourd simula noong magkausap kami about his life in Canada before he came back here. Pumupunta pa rin siya sa bahay pero ang mga kapatid ko lang ang naman ang sinasadya. Minsan kinakausap niya si Mommy, minsan si Dad kapag wala siyang pasok sa senate.

Hindi na lang ako lumalabas ng kwarto ko kapag bumibisita siya. It was easier that way. 

Si Mitchell naman hindi pa nakikilala ni Dad. Nag-aalala si Mommy dahil baka raw ma-badshot si Mitchell kay Dad. Wala naman akong pakialam sa sasabihin niya kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga unsolicited advices ni Mommy pagdating sa fake relationship ko with Mitchell.

Speaking of Mitchell, inimbitahan niya ako sa isa sa mga weekend band rehearsals nila sa bar na pagmamay-ari ng parents niya. Oras na daw kasi para ipakilala niya ako sa bandmates niya at sa management nila. So I came with him.

Nakaramdam pa rin ako ng kaba kahit hindi naman dapat. Baka kasi may isa sa mga bandmates niya or sa management nila ang magsabi sa harap ko na mali ang ginagawa namin ni Mitchell na pagkukunwari.

But all of my worries wrong proven wrong. Lahat sila welcoming sa akin at mukhang hindi big deal sa kanila ang charade namin ni Mitchell.

Nagsimulang ipakilala ni Mitchell ang bandmates niya isa-isa. He pointed at the guy who's holding a bass guitar. He's a little lanky and tanned. "This one is our bassist, Chad Ponce." 

Nagngitian kaming dalawa bago kumuway sa isat isa. He then pointed at the buff guy standing beside the bar. "Gael Luna, drummer namin." Gael greeted me with a single nod.

Natitira na lang ang yung mestizong may long-hair. "Rey Miller, lead guitarist."

Nginitian ko ulit sila isa't isa at kinawayan. "Hi, I'm Daphne Villareal. Mitchell's fake girlfriend."

Nagtawanan silang lahat at kanya-kanyang bumati sa akin. 

"Have you introduced her to Peter?" Rey asked Mitchell.

"Hindi pa," sagot nito habang nakangiti. "Lika, Daph. He's right, you have to meet Peter." Hinawakan niya ako sa braso at hinili papalapit sa may stage kung saan nakatayo ang isang lalaki na nagmamando sa mga staff. 

"Pete!" tawag nito sa lalaki sa stage. Humarap ito sa amin at may nakahanda ng ngiti. "Daphne, this is Peter Herrera."

Kumuway ulit ako at ngumiti. "Hi, it's me. The fake girlfriend."

Lumapit ito sa akin at bumeso. "Hi, Daphne. I'm Peter, the real boyfriend."

I gasped loudly and the n pointed at Mitchell. "OMG! Ikaw ang tunay na nagtitiis sa lalaking to?"

Tumango si Peter, nakangiti pa rin. "Yes, boyfriend slash road manager."

"It's really nice to finally meet you!" sabi ko sa kanya.

"You, too," sagot nito bago lumapit ulit sa akin at bumulong. "Sama ka sa akin mamaya kapag nag-start na sila mag-practice?"

Tinitigan ko nang maagi ang hitsura niya. Mukha naman siyang walang balak masama sa akin pero sa boyfriend niya? Mukhang 'yun ang pag-uusapan at pagpaplanuhan namin mamaya.

"Sige."


***


We were sitting by the bar nang simulang mang-interrogate si Peter. Pinapanuod namin ang The Rubbers na mag soundcheck sa stage. "Hanggang kailan ka papayag na maging beard niya?"

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon