Chapter Twelve

11.8K 405 128
                                    

Chapter Twelve


Matapos nang mahabang araw sa university ay napagpasyahan namin ni Mitchell na mag-dinner sa labas. Kailangan na rin naming i-polish ang 'lovestory' naming dalawa para mas maging convincing kami sa harapan ng mga tao, lalong-lalo na sa parents ko at kay Lourd.

"We're done with our favourites, future plans and dreams," Mitchell said while ticking his fingers off. "Ano pa ba ang dapat nating mapag-usapan?"

Nalaman ko na ang favourite food ni Mitchell ay Chicken Afritada na luto ng Lola niya. Favourite color niya ay violet, pagdating sa fruits ay watermelon at allergic siya sa kahit anong klaseng nuts! Even peanut butter! 

He's studying Music, hindi na nakapagtataka dahil isa siyang musician. Balak niya rin ituloy-tuloy ang career niya with his band, The Rubbers. He's really passionate about music pero hindi siya obnoxious about it unlike others. You'd hear him hum melodies pero hindi mo siya mapapakanta agad-agad.

"May dapat pa ba akong malaman tungkol sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Sasabihin ko lang dapat sa'yo na may boyfriend ako kung sasabihin mo sa akin 'yung real reason kung bakit ka kay Lourd. But it might surprise kapag may biglang humarang sa'yong guy at magpakilalang boyfriend ko."

Hindi niya pa man natatapos ang sinabi niya ay bumagsak na sa lupa ang panga ko. May boyfriend siya?! At hindi siya sinabi kaagad?

Napailing ako sa kanya nang mka-recover ako sa revelation niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Baka maging problema natin siya kapag nakarating sa kanya na may girlfriend ka!"

Tumawa siya nang malakas. "Chill. He knows."

"E bakit sabi mo baka biglang may humarang sa akin?"

Ngumisi siya. "I just said that to see your scandalized face."

"Ugh. I hate you." Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa aking pagkain. Hindi pa ako nakakasubo ulit nang inilapit ni Mitchell ang mukha niya sa akin.

"When are you gonna tell me what really happened to you and Lourd?" bulong nito.

Umakto ako na parang malalim ang iniisip bago siya sinagot. "How about... never?" 

He shrugged and continued to defend Lourd. "He still came back for you. Is that not enough?"

"Nope," mabilis kong sagot. If only he knew kung bakit nagmamatigas ako. Would he still defend Lourd if he knew what really happened between us? 

Hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit tungkol sa amin ni Lourd. "Did he explain why he did what he uhh... did?"

I shrugged. "I wouldn't let him explain."

"Bakit naman?" kunot-noo niyang tanong. 

I stopped eating and put down the fork I was using. I stared him dead in the eyes and told him the simple truth. "Simple lang. I don't wanna hear what he has to say. I'm sure matagal na niyang pinag-isipan yung excuse niya. Baka mapaniwala pa ako."

He leaned back on his chair and stared at me with an easy smile. "I think you should hear his excuses."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why should I?" I mean, what for? Para magkapatawaran at mag-gaguhan ulit kami? If I wouldn't hear out my dad, bakit mas pipiliin kong makinig kay Lourd?

"Paano kung 'yun pala ang explanation na hinahanap mo from him?" tanong ni Mitchell.

Tinignan ko siya nang masama. Paikot-ikot lang ang usapang ito. "Wala akong hinahanap at gusto pang makuha sa kanya. We're dunzo."

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon