Chapter Eleven

14.6K 490 203
                                    

Chapter Eleven


"Was I good?" tanong sa akin ni Mitchell nang makalabas na kami ng bahay. Ihahatid ko lang siya sa may car niya na naka park sa garage namin. "Tingin mo napaniwala natin sila?"

"I think si Mama lang," I said with a sigh. "And she's not supposed to know about this sham of a relationship." Iniisip ko pa lang ang pag-arte na gagawin namin ni Mitchell, sumasakit na ang ulo ko.

He smiled sheepishly. "Sorry if wrong timing ako."

Speaking of... Paano siya napadpad dito? "Bakit ka nga pala biglang sumulpot dito? Paano mo nalaman ang home address ko?"

He merely shrugged. "I have connections."

Napataas ang kilay ko sa sagot niya. "You do realize my father is a government official, right?"

Mitch nodded, wearing an easy smile. "Yup. Kaya nga madali ko nalaman kung saan ka nakatira nung nalaman ko sino ang father mo."

"Right." But is our home address accessible to the public, too? Bakit ngayon ko lang naiisip ang mga bagay na ito? But back to the issue at hand... "So, anong meron?"

Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Let's just say makikinabang din ako sa set-up na ito."

Napakunot ang aking noo. Medyo nakakapanghinala na. "C'mon, tell me. What's in it for you?" tanong ko habang tinititigan ang kanyang mukha, looking for a sign na may hindi siya sinasabi sa akin. "I told you everything about my situation. Huwag kang madaya."

He just stared back at me for a solid minute before looking around. Uulitin ko pa sana ang tanong ko nang maunahan niya akong magsalita.

"I need a beard."

Tama ba ang narinig ko? "A–what?"

"Beard," pag-uulit niya.

I know. I heard it the first time. But what does that mean?

"Bigote?" pag-uulit ko sa Tagalog.

"Yes, Daphne." Tumango siya habang nakangiti–para bang nagpipigil siyang tumawa nang malakas.

"But you have one," I answered lamely while pointing at his facial hair.

Mitchell chuckled. "I need a beard. Figuratively."

Bigla akong natauhan. "Ohh... That beard."

HE'S GAY?!

"If only your best friend knew I'm gay, hindi siya magwa-walkout," natatawa nitong sabi. "But then again, baka kaya hindi siya convinced because he can sense that I'm not straight."

Agad akong napailing sa sinabi niya. Hindi 'yun maaari! "Hindi niya pwedeng malaman, Mitchell! Ikaw lang pag-asa ko para layuan niya ako."

Napa-ngisi siya. "Layuan or lalong kulitin?"

Iniwasan ko siya ng tingin. "I don't know what you're talking about." Gusto ko lang talaga na layuan ako ni Lourd. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi layuan niya ako.

Nawala ang ngisi niya at napalitan ako ng pag-aalala. "Make up your mind, Daphne. Baka pagsisihan mo kapag lumayo nga siya. Sige ka."

I waved his concern off. "Whatever. Umuwi ka na." Mag gagabi na rin naman at may mga kanya-kanya pa kaming pasok bukas. Palayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin.

"Wait. I need your number!"

Napataas ang kilay ko. "Nakuha mo home address ko pero mobile number, hindi?"

"I prefer na ikaw magbibigay sa akin," he said sheepishly, handing me his phone.

I rolled my eyes as I took his phone from him. "Alright."

Forgetting My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon