Una.

6.1K 223 34
                                    

Una.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero pasakay pa lang ako kanina sa eroplano na maghahatid sa akin pauwi ay sobrang kinakabahan na ako. Galing akong america. Pumunta ako sa The Walking Dead convention para mameet ang mga favorite kong character, at para bumili na rin ng limited edition na sword ni Michonne na binebenta sa event. Kasama ako sa sampung nanalo na magtitrip to america para mameet and greet sila Andrew Lincoln, Norman Reedus, Laurie Holden, Lauren Cohan, Steven Yeun at iba pang cast ng favorite tv show ko na The Walking Dead. Sakay kami ngayon ng eroplanong maguuwi sa amin sa Pilipinas, kasama ko ang siyam pa na kaparehas ko na nanalo. Pare-parehas kaming may hindi maalis alis na ngiti sa mukha kanina sa departure area pero nang makasakay na ako bigla na lang ako kinabahan.

"You okay Kat?" Tanong sa akin ni Sehun na isa sa mga winners. He's half Korean and half Filipino.

Tumango lang ako at tumitig sa daliri ko.

"You seem nervous." Komento nito.

"Kinakabahan siya kasi baka paguwi natin ng Pilipinas naga-apocalypse na pala duon." Tumatawang sabi ni Ana. Ngumiti na lang ako. Baliw talaga.

"Let's not forget what Steven said sa event if ever nag a-apocalypse na nga sa Pilipinas." Sabi ni Vj. Napangiti ako at para kaming choir ng sabay-sabay naming sabihin ang: "Go to the grocery store first." At sabay-sabay din kaming nagtawanan.

"“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 10:30 am and the temperature is 29 degree celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about." Announce ng isang stewardess.

I fasten my seatbelt tightly. Makalipas lang ang ilang minuto nagland na kami safely. Nagready na ako para sa pagbaba.

"I'm gonna missed you guys, isang buwan din tayong nagsama-sama sa america." Sabi ni Sasha. Inisa-isa niya kami ng yakap. Mula kay Vj, Sehun, Ana, Janelle, Vic, Precious, Robeelyn, Mark, Logan at ako.

"Ako rin guys!" With tears pang sabi ni Janelle. Arte. Halata namang pilit yung pagiyak.Kung magkakaron man ng Apocalypse gusto ko siya ang unang makagat.

"So paano guys see you when I see you na lang? Una na akong bumaba namimiss ko na yung baby boy ko." Sabi ni Precious. May 5 year old na anak na kasi siya. Nauna na nga itong bumaba at sumunod na ako pagkatapos kong makipagyakapan sa kanila. Mamimiss ko talaga sila. Hindi nga naman biro ang isang buwan kasama sila. Isang buwan na sila ang kausap, kasama sa hotel room, kaselfie with the TWD cast, at kasama sa taping. Yes, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko ang maging isang walker. Sobrang saya. Although mabaho yung prosthetics at para kaming mga pulubi na namamalimos sa kalye sa itsura namin. Akala ko nga tatagal ako as a walker pero first taping day pa lang pinatay na ako, pero okay lang si Michonne naman ang pumatay sa akin. Akala ko dun na natatapos ang acting career ko hindi pa pala sa third day ng taping pinasok ulit ako as a walker at this time si Daryl naman ang pumatay sa akin, gusto ko ngang kiligin lalo na nung pumwesto na siya sa harapan ko para panain ako pero I calm my tits nakakahiya naman kong ako ang magiging dahilan ng aberya. Pero siguro kung si Rona yun baka nagtitili tili na yun sa sobrang kilig. Speaking of Rona I missed her na silang dalawa ni Louie. Marami akong baong kwento sa kanila.

Nagulat naman ako ng may magsalita sa tabi ko.

"Isn't it weird? Walang tao sa airport?" Sabi ni Logan. Napatingin naman ako at tama siya wala ngang tao. Shit? Anong meron? Nasaan ang mga tao?

"Aaaahhhhhhh!" That's Janelle.

Napatakbo kami ni Logan palabas and there we saw together with the others, Janelle was bit by a walker? What? Walker? Nasa taping pa ba kami?

Left.Where stories live. Discover now