Panglabing-isa.

3.4K 160 6
                                    

Panglabing-isa.

Kasalukuyan na kaming nagpapahinga lahat ngayon. Alas dose na rin kasi ng gabi. Kasama ko ngayon sa bagong kwarto sila Rona, Louie at Jayjay.

Dahil sa nangyari sa third floor napagpasyahan namin kanina na sa second floor na lang matulog. Magkakasama ulit kami samantalang kasama naman ni Luke at Michael si Alex sa isang kwarto na nakalaan para sa kanila para kung may kailangan man ang dalawang injured matutulungan agad ni Alex. At ang magpinsang Logan at Blake naman ay magkasama rin. Si Jeremy naman magisa lang. Sobra na kaming nagaalala sa kanya, hindi namin siya makausap buong maghapon. Ayaw nitong magsalita.

Kanina nang makabalik ito mula sa pagpunta sa likuran ng hotel. Umakyat agad ito sa taas at pagbaba eh buhat buhat na nito si Bryan itinabi nito ang mga katawan sa patay na katawan nila Joe, Joseph at Frederick. Umakyat ulit ito at ang katawan naman ni Shane ang bitbit nito pababa. Kaya si Logan at Blake eh tumulong na bitbit nila ang wala ng buhay na katawan nila Aron at Ashton. Si Jeremy naman ng makababa ulit eh hila hila lang sa kamay ang katawan ng isang estranghero. Iyon yata ang isa sa mga lalaki na pinatay ni Luke. Kaya naman yung dalawa eh ganon din ang ginawa sa ibang katawan. Binabalibag at inihuhulog na lang. Kabastusan man iyon dahil tao sila. Wala na siguro kaming pake dahil sa kanila namatayan kami ng pitong kaibigan. Anim na katawan ang binaba nila mula sa taas na galing sa grupong pumatay sa mga kaibigan namin. Napagalaman namin base na rin sa kwento ni Michael. Si Michael ang pumatay sa dalawa at si Shane naman ang pumatay sa isa.

Ang sabi nito hinahabol daw sila ni Shane ng mga bala ng mga ito kaya nagpaputok din ang dalawa. Napatay naman nila pero namatay rin si Shane at may tama si Michael sa binti. At ang sabi ni Michael malamang na bumalik nga raw ang mga iyon dahil alam ng mga itong may iba pa silang kasama. Kaya naman natakot ako para sa buhay namin lalo na sa kapatid ko.

Samantalang si Jeremy naman natutuwa ito sa kaalamang may posibilidad na magbalik ang pumatay sa mga kapatid niya. At maipaghiganti ang mga kapatid nito. Naghahanda na nga ito para kahit anong oras daw na maisipan ng mga itong bumalik handa siya sa mga mangyayaring pagatake ng mga ito hindi tulad ng nangyari kahapon sa iba na guard less ang mga ito at mahina.

Napagalaman din namin na nagpunta pala si Jeremy sa likod ng motel para icheck kung maaari bang paglibingan ang likuran ng mga katawan ng mga kaibigan naming namatay sa kamay ng mga walang pusong tao na iyon.

Kaya naman para mapabilis eh tumulong ako sa paghuhukay ng libingan kasama sila Logan, Jeremy at Blake. Samantalang ibinigay ko kay Rona si Jayjay para siya muna ang magalaga sa kapatid ko. At kahit hirap si Luke at Michael dahil sa mga sugat nila tumulong sila kay Louie at Alex na maglinis.

Napahinga ako ng malalim pagod ako sa paghuhukay pero hindi ako makatulog. Natatakot kasi ako. Paano kung bigla nila kaming paulanan ng bala habang natutulog? Tinaon nilang gabi para masiguradong mamatay kaming lahat? Please wag naman sana.

Tumagilid ako ng pagkakahiga at muntik pa ako mapasigaw ng makitang bukas ang mga mata at nakatingin pala sa akin si Louie. Gising pa pala ito.

"Hindi ka rin makatulog Kat?" Tanong nito. Tumango ako.

"Natatakot kasi ako." Sagot ko.

"Ako rin! Natatakot ako na baka mumu na sila Ashton at tinitingnan tayo ngayon habang nakahiga ngayon." Natatakot na sabi nito at nagkumot pa ng hanggang leeg. Hayy. Akala ko pa naman dahil sa posibilidad na magbalik ang mga armadong lalaki at pulbusin kami. Pero come to think of it. Nakakatakot nga yong sinabi ni Louie.

"Shet! Baka kalabitin ako ni Frederick mahilig pa naman mangalabit yun!" I said. At as if on cue may malamig na kamay ang kumalabit sa akin mula sa likuran ko. Muntik pa ako mapatili kung hindi lang agad nagsalita ito.

Left.Where stories live. Discover now