Pangwalo.

3.4K 171 18
                                    

Pangwalo.

Nakasakay na kami sa van at bumibiyahe na papunta sa bayan. Ang fifteen seater van ay naging sixteen seater I still can't believe it kung paano namin napagkasya ang mga sarili namin to think na ang lalaki ng katawan ng mga boys.

Tatlo ang bakanteng upuan na originally eh isa lang naman talaga ang bakante since fourteen silang lahat at hindi nakasakay si Jeremy at Michael dahil sumakay sila sa kotse namin. Ibinigay na lang ni Jeremy ang upuan niya kay Rona na kalong si Jayjay na tulog na. Katabi niya ako, at si Michael naman ang katabi ko na kalong si Louie. Sa may bintana sila. Ang sarap pa nga ng upo nito nakasandal pa kay Michael na nakapulupot naman ang mga braso sa bewang niya. Parang mag on. Umiisparks din. Si Jeremy naman nakaupo sa dulo ng van sa may pinto sa gilid ni Rona hindi niya na ito sinarado dahil hindi na kayang isarado feeling ko nga kalahati ng pwet na lang ang nakakaupo sa kanya. Overloaded is the right term of our situation right now.

Naikwento na rin namin kung paano kami napunta doon they say sorry sa nangyari sa amin at hindi daw nila alam ang alam nila nakasunod pa rin kami.

"But you know Kat! You're so cool kanina while killing those lefters." Sabi ni Calum. I muttered thanks nahihiya akong magsalita kasi sumangayon ang lahat sa kanya. Feel na feel ko kasi kanina ang pagiging Michonne.

Napatingin ako kay Jayjay ng biglang umiyak ito.

"Nagugutom na yata." Sabi ni Michael. Tumingin ako sa kanya mukhang tama siya.

Napa tsk na lang ako nang maisip na naiwan namin yung lagayan ng gatas ni Jayjay sa trunk ng kotse kasama ng ibang pagkain. Mukhang maghahanap na naman kami. Napatingin ako kay Jayjay ng manahimik na ito yun pala may iniinom ng gatas.

"Buti na lang nagtimpla na ako ng gatas sa bote niya kanina." Sabi ni Rona. Buti na lang.

Mahigit isang oras kaming nasa loob ng van bago nakarating sa bayan. Yung ibang lalaki nga eh nakatulog na yung iba nagkukwentuhan pa rin at medyo nagtatawanan. Si Rona nga eh nakatulog na sa balikat ni Jeremy kaya kinuha ko na si Jayjay at ako ng nagkarga, ganun din si Michael at Louie sa katabi ko. Mga pagod.

Napalingon ako sa labas ng bintana ng van. Maraming lefters ang palakad lakad sa labas. Saan kami magpapahinga diyan?

"Saan tayo Jeremy?" Tanong ko kay Jeremy pero napalingon ako sa ginagawa nito. Inaayos niya ng higa yung ulo ni Rona sa balikat nito mahuhulog na kasi. Lumingon ito sa akin.

"Ang likot." Natatawang sabi nito kaya napangiti ako. Nice one Rona. You made him laugh.

Mayamaya huminto ang van sa tapat ng isang motel. Motel? Anong gagawin namin dito?

"Motel guys really?" Tanong ko.

"Dito muna tayo magpapahinga." Sabi ni Alex na siyang nagdadrive ng van. Tumango ako. Mas okay na ito kesa magsiksikan kami rito sa van.

Marahil naramdaman ng mga kasama namin na huminto ang van kaya nagising ang iba.

"Bahay na walang kusina." Pabulong na sabi ni Louie pero narinig ko.

"Mukhang madalas ka diyan Louie ah!" Tumatawang sabi ni Michael. Okay. Anong nakakatawa sa sinabi ni Louie? At anong bahay na walang kusina.

"Bahay na walang kusina. Another term for motel." Sabi ni Rona na gising na. Nakasandal na lang ito sa upuan. Okay. Bakit sila alam nila? Ako hindi. Don't tell me nakapunta na sila diyan?

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Jeremy kay Rona. Nakita kong namula si Rona. Pero sinagot pa rin ang tanong ni Jeremy.

"Kay Papa Jack." Sabi nito. Ah yung sikat na DJ na nagpapayo sa mga caller nila.

Left.Where stories live. Discover now