Panglabing-dalawa.

3.4K 161 11
                                    

Panglabing-dalawa.

"Saan tayo?" Napatingin ako kay Luke ng biglang magtanong ito.

Nasa sasakyan pa rin kami at kasalukuyang bumibiyahe patungo kung saan. Magiisang oras na kaming nasa loob ng kotse at hindi pa rin nagigising si Louie. Sabi ni Blake mamaya pa raw ito gigising epekto raw ng gamot.

"Kahit saan basta may cr napupoop na ako eh." Sabi ni Michael na ikinatawa namin.

"Diyan ka oh sa damuhan!" Asar ni Alex mula sa unahan.

Tiningnan ko ang kasalukuyang dinadaanan namin. Puro damuhan at puno, nasa gubat yata kami.

"Ikaw na lang tol! Tutal unggoy ka naman."

"Ulol ikaw ang unggoy! Ano ihihinto ko na ba dito?" Asar pa ni Alex.

"Gago!" Sigaw ni Michael na ikinatawa namin. Mga lalaki talaga kung magasaran.

Lalo kaming tumawa ng ihinto talaga ni Alex ang van.

"Oh hininto na ni Alex baba na Mike!" Sabi ni Luke na tinapik pa ang binti nito na may sugat.

"Aray ko!"

"Guys hindi ko hininto ang van." Sabi ni Alex.

Natigil ang tawanan namin. Anong ibig niya sabihin?

"Don't tell me,"

"Yes Jeremy we run out of gas." Kumpirma ni Alex sa sasabihin sana ni Jeremy.

"Fuck!" I heard Jeremy cursed for the first time. Binuksan nito ang van at bumaba. "I'll check if we still have gas sa likuran."

Tiningnan ko ulit ang paligid namin. Para kaming nasa gubat. Gosh, sana may gas pa ayoko mag lakad ng ganito ang paligid. Scary.

"Para tayong na wrong turn pero ang twist eh zombies ang kakain sa atin." Sabi ni Michael.

"Tas ang unang makakain yung mga may sugat! Hala ka Michael!"

"Gago may sugat ka rin!" Sigaw ni Michael kay Luke. Mga sira talaga magtakutan daw ba.

Nakita kong bumaba rin si Logan kaya naisipan kong bumaba. Pumunta ako sa likod. Nandoon din pala si Alex di ko siya napansing bumaba, may mga hawak silang galon ni Jeremy at isa isang binubuksan yun at inaamoy.

Magtatanong sana ako kung bakit nila inaamoy yun ng biglang may pumulupot na braso sa leeg ko.

"Ahhhhh!" I screamed.

"Hey! Its just me!" Pucha! Natakot ako don ah akala ko lefters na.

"Logan naman eh!" Inalis ko ang braso niya at hinampas siya. Sinamaan ko rin siya ng tingin at hinampas ulit ng paulit ulit.

"Take some chill pill okay!" Natatawang sabi nito habang sinasalag ang mga hampas ko.

"Sweet niyo guys! Pero kailangan natin putulin ang inyong sweetness dahil nakahanap na kami ng gas, sakay na." Sabi ni Alex na biglang sumulpot sa gilid namin at dumaan pa sa pagitan namin na dahilan ng pagkakakalas ng kamay ni Logan na nakahawak sa braso ko na pinanghahampas ko sa kanya.

"Take some sugar dude ang Bitter Ocampo mo eh." Tumatawang sabi ni Michael na nakasilip na pala.

Umiling na lang ako at binawi ang braso ko mula kay Logan. Sumakay na lang ulit ako sa van at umupo naman sa tabi ni Rona na nagsosolo flight kasama si Jayjay sa likurang bahagi ng van.

"Why are you alone?"

"I'm not. Jayjay's with me." Oo nga naman Jayjay's with her. "Anong oras kaya magigising si Louie?"

Left.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora