Pangdalawampu't-pito.

2.6K 137 3
                                    

Pangdalawampu't-pito.

"Day 30 of zombie apocalypse. We're still here in the middle of a deserted road. Until now our friend Jeremy is-- Bro ano english ng hindi pa nakakabalik."

"Huwag ka na kasi magenglish diyan sa documentary chaka mo na ginagawa Michael. Nahihirapan ka lang."

"Ria wag ka ngang basag trip tyaka si Luke naman ang tinatanong ko. Alagaan mo na lang si baby KL."

"Duh! Nakakairita ka kaya. Just talk in our language."

"Duh rin! If ever may makakita na taga ibang bansa sa video cam na ito at napanuod nila ang mga video na nakunan ko at least maiintindihan nila ang sinasabi ko."

"Whatever. Kunan mo na lang ulit ang mga lefters na dadaan mamaya."

"Whatever ka rin."

Napailing na lang ako.

Yes. For five days we waited for Jeremy to come back with Rona and Sam. Pero hanggang ngayon wala pa rin sila.

Sa loob ng limang araw ng paghihintay. Paulit-ulit lang ang routine namin. Magkukwentuhan sa umaga hanggang hapon at magtatago sa gabi. Every night kasi may parada ng mga zombies. Tulad ng unang gabi na nagpalipas kami dito sa daan may mga pulutong ng lefters ang naglalakad. Na binansagan na naming migratory zombies dahil para silang mga migratory animals na lumilipat kung saan may pagkain.

For five days salitan din kami ng pagtatago minsan kami sa loob ng kotse na nagtatago tapos sila Luke sa ilalim. Hindi kasi talaga kami kasya. One time sinubukan naming magtago lahat sa loob ng kotse at di na namin inulit. Para kasi kaming sardinas na nagsisiksikan. Kalong ni Alex si Ria na kalong si baby KL, kalong naman ako ni Logan at kalong ni Luke si Michael since hindi pwede magkalong si Michael dahil nabaril nga ang binti niya noong nakaraan kaya kahit mas matangkad si Michael siya ang kinakalong ni Luke. Habang nagtatago non tawa lang kami ng tawa buti hindi nila kami naririnig at nakikita dahil heavily tinted ang sasakyan. At sa loob rin ng limang araw dino-document ni Michael ang pagdaan ng mga lefters. Nagtaka nga ako kung saan galing yung video camera eh. Sabi niya kay Ria daw iyon. Nagtataka nga rin ako kung bakit limang araw na ang lumipas hindi pa rin nalolowbatt yung cam kahit gabi gabi ginagamit ni Michael para kumuha ng videos sa pagdaan ng mga zombies yun pala battery lang kasi ang kailangan.

Ngayon nga eh naghahanda na itong kumuha ng video ulit. Gabi na kasi at magtatago na kami. Sila sa loob at kami ulit ni Logan sa ilalim.

Nakaupo na kami ni Logan dito sa tabi ng sasakyan para pag nakita na namin silang parating gagapang na lang kami pailalim.

"How long are we going to stay here?" Napatingin ako sa tanong ni Luke. Nakaupo na ito sa loob ng kotse pero hindi pa rin sinasara ang pinto.

"Until they come back." Sagot ko.

"When? Sa totoo lang we're not really safe here. We're just in the middle of the road so open for our predators."

"Yes we're really not safe here lalo pa't we have a baby with us." I said.

"We need to decide now. Balikan sila Jeremy doon or maghahanap tayo ng safe na lugar bago sila puntahan doon. You know we can't just wait here paano kung wag naman sana they didn't survive? Ano dito na lang tayo forever? And aside from that wala na tayong supplies. Wala na ring gatas si baby KL."

"What majority wants ba?" I asked.

"The majority wants to wait of course and the majority wants to feel safe too." Logan said. And that so true. My decision is fifty fifty. Fifty percent on waiting and fifty percent on leaving this road.

Left.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang