Pangapatnapu't-lima.

2.5K 105 4
                                    

Pangapatnapu't-lima.

Maaga kaming nagising ngayon lahat. Napagusapan na kasi kagabi ng makauwi kami galing sa Undead Sanctuary na maagang gigising lahat para makapagisip ng bagong plano kung paano namin makukuha sila Blake at Jeremy.

Ngayon nga ay nandito kami sa sala nila Louie nagkakape, pangpagising bago makapagplano kung anong gagawin namin.

Tahimik lang kami ninanamnam ang mainit na kape. Pero alam kong bawat isa ay nagiisip na ng paraan kung paano makukuha ang mga kaibigan namin.

Nandito rin sila Mia, Rodmar at Ria, ang mga naiwan kagabi para maki-isip. Buti nga tulog pa sila Sam at Jayjay kaya walang makulit.

"So? May naisip na ba kayong magandang paraan?" Pagbubukas ni Logan sa usapan.

I saw Louie raising her hand.

"Yes Louie." Logan says. Itinuro niya pa si Louie.

Si Louie naman humigop muna ng kape bago nagsalita.

"Naisip kong sugudin na lang sila." She said.

"That's too dangerous Louie lalo pa't buntis ka." Ulysses butted in.

"Syempre I'm not that stupid para makisugod. Kumbaga kaming mga girls. Magaala sniper. Pwepwesto kami sa watcher house or sa kahit saang mataas na lugar tapos icocover namin kayo habang pumapasok kayo sa loob. Kayong boys pwedeng hatiin sa dalawang teams. Iyong isang team hahanapin sa loob ng US sila Blake at Jeremy. Iyong isa makikipagbarilan sa mga tauhan ng US!"

"Ang dali pakinggan pero delikado at mahirap pag actual na." Sabi ko.

"I know. But, I think its the only way. Tyaka sa itsura ng lugar na iyon mukhang yung mga nakapasok doon wala ng pagasang makalabas." Louie said.

"Magandang plano pero madugo. Let's hear others plan, Louie. So, sinong nakakaisip ng ibang paraan?" Tanong ni Logan.

"Okay. Isip mo na tayo ng ibang paraan. Mahirap na baka dumanak nga talaga ang dugo." Sangayon ni Louie.

Nakita kong si Ria naman ang nagtaas ng kamay.

"Yes Ria?"

"How about pasukin natin yung lugar sa ibang paraan. Like sa gilid dumaan. Over the bakod."

"Its impossible Ria. Kung nandoon ka lang you wouldn't suggest that. Sobrang closed yung lugar. The only way in is through the gate. Nilibot na namin yung paligid kagabi kaso walang mapapasukang iba talaga. About naman sa pagoover the bakod maraming bantay. Mapapansin agad kung sakaling may papasok." I explained. Hindi kasi namin nga pala siya kasama so naisuggest niya iyon.

"How do you know maraming bantay?" Tanong nito.

"I saw it from the watcher's house." Michael said.

At para hindi na rin magtanong si Ria pati yung ibang di nakasama. I explained what happened last night. Hindi pa kasi nga pala namin nakwento yung nangyari. At mukhang naintindihan naman nila iyon.

"Okay another way?" Logan asked again.

Michael raised his hand.

"Siguraduhin mo lang na may kwenta yang suggestion mo alipin." Louie said.

"Oo naman!" Proud na sagot nito.

"Okay! Bring it on!" Hamon ni Louie.

Michael smiled creepily.

"You're scary." I commented.

"Sorry." He said laughing.

"So ano nga yung naisip mo?" Inip kong tanong.

Left.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant