Pangtatlumpu't-tatlo.

2.6K 138 8
                                    

Pangtatlumpu't-tatlo.

When I woke up today. I can feel the sad and gloomy feeling of my friends.

After ng libing kahapon. Sobrang tahimik. Nandoon lang kami sa garden hanggang mag-gabi. Walang nagkukwentuhan tanging ang boses lang ni Michael ang maririnig. He's singing for Luke the whole day. Panigurado ngayon paos yun.

Maaga rin kaming natulog. Pero nagising ng madaling araw dahil sa iyak ni Sam. He said he misses Luke. Doon ko rin nadiskubre na tahimik pa rin palang umiiyak si Rona. She can't still accept it. Kaya nga niyakap ko na lang siya hanggang makatulog siya.

Ngayong umaga na at kagigising ko lang. Nakita kong tahimik na umiiyak si Ria habang pinapadede si baby KL.

"Hey." Tinapik ko ang balikat nito. Agad itong nagpunas ng luha.

"Kat, good morning." Malungkot itong ngumiti sa akin.

"Morning. Stop crying. Malulungkot si Luke." Sabi ko.

"Di ko mapigilan eh. Eh ikaw bakit di ka na umiiyak?"

Bakit nga ba di na ako umiiyak? Siguro kasi wala ng magagawa ang pagluha ko. Pero hindi eh. Alam kong pinipigilan ko. Ayaw ko ng umiyak kasi nakakapagod malungkot. At isa pa maayos na si Luke hindi na dapat kami umiyak at magpasalamat na lang dahil hindi na siya mahihirapan.

"Ayoko na umiyak. Maging masaya na lang tayo kasi okay na si Luke kung nasaan siya ngayon." Sagot ko.

"Masaya? Eh bakit naluluha ka?" Nakangiting tanong nito. Kaya pala blurry na si Ria sa paningin ko. Akala ko lumabo na ang mata ko naiiyak na pala ako.

"Cry Kat. Mas magaan sa pakiramdam pagkatapos. Napalaya mo na yung lungkot at sakit." And I did cry. I weep again like a kid na iniwan ng kalaro niya dahil lumipat na sa ibang lugar at alam mong di na kayo magkikita. Kung magkikita man sa ibang panahon at pagkakataon pa.

After crying naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

"Better Kat?"

"Better than the sad Kat yesterday Ri." And I smiled.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Rona alam ko kasing malungkot pa rin siya. Una ko siyang hinanap sa garden pero wala siya doon. Si Michael lang ang nandoon at kumakanta. Kasama nito si Sam.

Wala rin ito sa may fountain. Ang nandoon lang ay si Logan at Alex na naguusap.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kusina baka kasi nagaalmusal.

Pero nasa bukana pa lang napahinto na ako naririnig ko na itong umiiyak. Agad akong pumasok sa loob para i-comfort siya but i think she don't need me na cause when I saw her, she's not alone. She's with Jeremy. Jeremy's hugging her habang hinahaplos ang likuran niya.

I was about to go back inside the house but I stop when I saw Jeremy kissing the top of her head. Kahapon pa to si Jeremy nagnininja moves.

Napangiti na lang ako.

Napagpasyahan ko na lang na lumabas pero napatigil ako ng makitang umuulan pala. Parang nakisabay pa ang langit sa kalungkutan namin.

Nagalala ako na baka nabasa na silang mga nasa labas. Pero napanatag rin. I saw Michael and Sam running from the garden while Logan and Alex is from the fountain.

Agad kaming pumasok lahat para hindi mabasa. Umaangi kasi.

"Kain na." Jeremy announced. Pero imbes magsaya dahil kakain na walang ganang nagpuntahan kami sa kusina. And that day ended with us being sad, gloomy and less energetic.

Left.Where stories live. Discover now