Panglimampu.

2.6K 103 19
                                    

Panglimampu.

2013

From: Papa
Nanganak na Mama mo.

Pagkabasa ko ng message ni Papa napangiti ako ng malaki. Nanganak na si Mama!

"Baby what's up? Why are you smiling?" Napatingin ako kay Rodmar sa tanong niya.

"Nanganak na si Mama!" Malaki ang ngiti na sagot ko.

"Really? Congrats! May ibubully ka na!" Tumatawang sabi nito.

"Sira!" Sinapak ko nga.

"Bisitahin natin sila. I wanna see your baby brother. Tyaka dalhan natin ng prutas si Mama." Napairap na lang ako. Feel na feel niya talaga ang pagtawag ng Mama sa Mama ko.

"Okay."

After ng klase namin dumiretso kami sa hospital. Kumatok si Rodmar sa pinto na binuksan ni Papa. Umasim ang mukha nito ng makita si Rodmar. Hindi pa rin talaga niya sobrang feel na nagkaboyfriend na ang bunsong anak niya na babae. Pero tangap niya naman ang relasyon namin. Magtwotwo-years na rin kami ni Rodmar at hanggang ngayon hindi niya pa naman binibigo si Papa sa pangako niya na hindi niya ako sasaktan.

I still remember the day na pinakilala ko siyang manliligaw kay Mama at Papa. Grabe yung lamig ng kamay niya tapos yung pawis niya tagaktak. Hindi pa nga siya nagsisibak ng kahoy eh. Nagpapaalam pa lang siya kay Papa at Mama na liligawan niya ako officially. Pero parang ginawa niya na yung napagaralan ko sa TLE dati yung tungkol sa old courtship ways. Like pagsisibak ng kahoy, pagiigib ng tubig and the likes. He should not worry tho! Kasi hindi naman namin kailangan ng kahoy kasi sa kalang de gas kami nagluluto so he don't need to axe those woods. Plus nakakonekta kami sa manila water kaya hindi niya na kailangan pumunta pa sa kung anong balon at poso para magigib. Kailangan niya lang patunuyan kay Mama at Papa na seryoso siya sa akin.

Noong sinabi niya na kay Papa kung anong pakay niya at bakit siya nandoon sa bahay. Naramdaman ko talagang naginig yung tuhod niya sa takot kay Papa. Paano pokerface ito pero parang naglalabas ito ng chakra para gumawa ng kage bunshin technique na magpapalabas sa kanya sa bahay kapag nagipon ng chakra sa kamay yung mga kage bunshin ni Papa at patamaan siya ng rasengan. Shit! I should really stop listening to Louie whenever she's talking about Naruto stuffs. Nagiging reference ko na sa kahit ano. Seriously I should block her voice whenever she's talking about Sasuke's hair shits and likes.

Pero nakahinga naman ito ng maluwag ng pumayag si Papa. Pero may nagiisang kondisyon.

'Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!'

Na hindi niya pa naman ginagawa. Pa! Yes, kasi alam ko may panahong hindi rin kami magkakaintindihan.

"Katleng." Tawag ni Mama sa akin. Gising ito at buhat yung kapatid ko. Lumapit ako sa kanya. I smiled when I saw my little brother on her arms. Gising din ito. Tae! Maiiyak pa yata ako. Ang cute cute niya! Para siyang kasya sa bulsa ko. Ang sarap niya ring gawing keychain.

"Pabuhat Ma!" Sabi ko.

Mama gently transfer my baby brother on my arms. Grabe ang gaan niya. Ang bango niya rin ng halikan ko ang pisngi niya.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko.

"John James." Papa answered. He looks so proud while looking to my little sibling. Sinong hindi? May anak na siyang lalaki.

Left.Место, где живут истории. Откройте их для себя