Panganim.

3.6K 174 20
                                    

Panganim.

Pagkabalik namin dito sa grocery store agad kong kinuha ang susi sa ilalim ng mat at pinapasok si Rona at Jayjay kinuha naman namin ni Louie ang mga grocery na kinuha namin kanina at ipinasok rin. Pagkapasok ko ikinadena ko ang pinto mula sa loob.

Tumingin ako sa wrist watch ko past six na at madilim na sa loob ng tindahan.

"Doon tayo sa may cashier." Sabi ko at pumasok kami sa cashier area na masikip pero pwede namang higaan ng tatlong tao pero dapat dikit dikit. Nagulat ako ng marinig kong mag 'Oh my god' si Louie.

"Guys! Guys! Ang daming lefters sa labas." Pabulong pa nitong sabi. Madami nga. Nagsisilakaran ito sa kung saan saang direksiyon, saan yun galing? Samantalang kanina wala pa naman sila? Ano sila mga night biters? Sa gabi lang lumalabas.

Napatili kaming tatlo ng makarinig ng sunod sunod na putukan at mula rito sa loob nakita naming isa isang nagtumbahan ang mga lefters sa labas. May bumabaril sa kanila? Pero saan?

"Saan kaya yung bumabaril?" Pabulong na tanong ni Louie. At dahil gusto kong malaman kung saan nangagaling ang putok ng baril lumabas ako sa cashier area at dahan dahang lumapit sa pinto para aninagin sa labas ang posibleng tao na pumupuntirya sa mga lefters. Pero wala akong nakita.

Narinig kong napasinghap si Louie kasunod ang mga yabag ng paa at bulungan. Mukhang sumunod sila sa akin ni Rona pero kinilabutan ako ng magbulungan ang mayari ng yabag ng mga paa at boses bakulaw ito. Oh my god! Nataranta pa ako ng impit na mapatili si Rona na parang tinakpan ang bibig niya. I know si Rona yun mahilig tumili yun eh! Its either nanunuod kami ng the walking dead o nakita niya ang crush niyang si Jeremy Lin na anak ng mayari ng tindahan na ito.

Papalapit na ang yabag sa akin kaya nagtago ako sa isang stand ng pagkain. Putek sino ba tong mga to? Lefters? Tinatakot nila ako ng bongga.

Gagalaw na sana ako sa pinagtataguan ko para mapuntahan sila Rona ng may malamig na bagay na dumikit sa sentido ko. Baril. Shit! I'm at gun point again.

"Shsfuuujjjdwstygvsr." What? Anong sabi nung nagsalita? Di ko naintindihan. Mukhang ibang language.

"Get that here." Rinig kong sabi ng kung sino mula sa kung saan.

Naramdaman kong hinila ako sa braso ng taong tinututukan ako ng baril hindi ko siya makita.

"There's a baby sleeping here!" Sabi ng kung sino. Si Jayjay.

"Please don't hurt my baby brother." Nanginginig kong sabi.

"You're a girl?" Tanong ng nagtututok sa akin ng baril. At naramdaman kong hinawakan ako nito sa buhok.

"Yes." I answer nervously.

"Joseph get the baby!" Sabi ng taong nasa likod ko. At hinila ako nito sa kung saan. Muntik pa akong mapatid dahil madilim. Nakikita ko sa unahan namin ang silhouette ng isang matangkad na lalaki habang may babae sa harapan nito at base sa sexy nitong katawan si Rona yun. Nakalagay ang braso nito sa bibig ni Rona at may nakatutok din ditong baril. Lumabas ang mga ito sa likuran ng tindahan kasunod namin. Isang madilim na hallway ang binaybay namin. Sa dulo ng hallway may maliwanag na pinto. Ito na ba ang daan sa kabilang buhay?

Nang makapasok kami sa maliwanag na pinto napapikit ako. Sobrang liwanag ang sakit sa mata.

"Guys we saw them." Rinig kong salita ng kung sino. Iminulat ko ang mata ko nakita ko sa harapan ko na may sampung lalaking nakatayo. Lahat may hawak na baril. I think i know them! Lahat matatangkad. Mula sa sampung lalaki nakita kong may isang chinese na lalaki singkit kasi ang mga mata nito! Kapatid ito ni Jeremy! At ang nakatayo sa harapan namin ay mga teammates ni Jeremy sila ang basketball team ng university namin.

Left.Where stories live. Discover now