Chapter 48

3.7K 252 32
                                    


C48:

Napapikit muna siya bago bumuntong hininga. Napatingin tuloy ang kasama niya sa kotse dahil sa ginawa.

May pag-aalalang tiningnan siya ni Eira na kasama niya sa passenger seat. "Gusto mo ba samahan na kita sa loob?"

Iminulat niya ang mga mata at tiningnan din ito. Umiling naman kaagad siya. "No. I need to do this on my own."

Napatingin siya sa gilid kung nasaan ang bintana ng kotse at mula doon ay natanaw niya sa malapit ang isang mamahaling restaurant. Sa loob nun ay naghihintay na sa kanya ang nga magulang niya.

Kinakabahan siya. Natatakot. Nagkita na sila dati ng mga magulang niya pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na pag-uusapan nila ng masinsinan ang tungkol sa nangyari noon sa pamilya nila.

Naramdaman niyang may mainit na bagay na pumatong sa mga kamay niya na nakapatong naman sa itaas ng tuhod niya.
Kamay iyon ni Eira kaya napatingin uli siya dito.

"You can do this. Ito narin ang pagkakataon para harapin mo na ang problema na sabi mo nga ay tinakasan mo ng ilang taon. Unreasonable man dati ang mga desisyon na ginawa ng mga magulang mo, I know this time alam na nila ang gagawin. I believe na mareresolba niyo ito bilang isang pamilya," sabi ni Eira sa kanya. Kita sa mga mata nito ang pagtitiwala sa kanya.

"At tsaka you're free to call me if there is still a problem after your talk with them. Andito lang ako naghihintay sa pagbabalik mo."

It felt nice hearing those words coming from the woman whom she thought is so cold and so distant. Napangiti siya dito.

"Sisiguraduhin ko na magiging maayos na ang lahat sa pagbabalik ko, Hubby."

At bumaba na nga siya mula sa kotse. This time determinasyon ang nakapinta sa mga mata niya. Isinuot niya ang dalang sumbrero pati narin face mask.

Wala nang pagdadalawang isip na naglakad na siya papasok sa loob ng restaurant. Kinausap niya ng konti ang isa sa mga staff bago ito tumango at dinala siya sa destinasyon niya sa araw na iyon.

Nakasunod lang ang tingin ni Eira sa pigura ni Moxielle. Hanggang sa mawala ito sa paningin niya ay nakatingin parin siya sa daang tinahak nito.

---
Dinala siya ng isang staff sa isa sa mga private rooms ng restaurant. Pinagbuksan pa nga siya nito ng pinto pagdating nila sa harap ng nasabing silid.

Agad na bumungad sa kanya ang dalawang magkatabing pigura. Napaangat ang tingin ng mga ito sa pagdatinh niya kaya agad nagkita ang kanilang mga paningin.

Pagkatapos gawin ang trabaho ay umalis din naman kaagad ang staff at iniwan na ang tatlo.

Pumasok naman si Moxielle sa silid at isinara rin kaagad ang pinto pagkatapos.

"Sorry kung pinaghintay ko kayo."

Agad naman naningkit ang mga mata ng ama niya matapos niyang magsalita. "Mabuti alam mo," may disgusto na sabi nito sa kanya.

Agad naman itong tiningnan ng masama ng asawa nito, ng ina niya.

"Ano ba, William?!"

"What? That's the truth. Pinaghintay niya tayo."

Napabuntong hininga na lang si Moxielle dahil sa ama. She's probably an eyesore to her father's eyes now. Siguradong iniisip nito na kasalanan niya kung bakit nasira ang pangalang pinakaiingatan nito. Ito ang rason kung bakit galit ito sa kanya.

Isinantabi na lang niya ang galit ng ama at umupo sa upuan katapat ng pwesto ng dalawa.

At tanging katahimikan ang sumunod doon.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon