Chapter 20

4.4K 256 21
                                    

20:

"Ano?" Gulong tanong ni Rose kay Jax. Hindi niya naintindihan ang huli nitong sinabi.

"Wala," sabi naman sakanya ni Jax. Napabuntong-hininga pa ito pagkatapos.

Tiningnan niya ito nang may pagdududa. Mukhang may something talaga doon sa sinabi nito.

"Pwede bang iwan mo muna kami ni Imara at may pag-uusapan kami."

Nagtataka man kung bakit kailangan niya talagang umalis para makapag-usap lang ang dalawa ay sinunod niya parin sa huli ang sinabi ni Jax.

Naisip niya paglabas niya sa opisina ni Imara na baka tungkol iyon sa isang private matter kaya tamang hindi niya iyon marinig.

Ang hindi niya alam, kinukuntsaba na ng mga oras na iyon ni Jax si Imara. Parang kinakausap ito ng lalaki na ibugaw siya sa kapatid nito. Or is it the other way around? 

Nang tuluyan siyang makalabas ng M-Light ay tinext niya si Imara na mauuna na siyang umuwi. Pupunta na lang siya sa coffee shop at magbabantay doon kesa naman ma-bored siya sa napakalaking bahay ni Eira.

Pagdating niya sa coffee shop ay natuwa kaagad ang mga nagtatrabaho doon. Napanood kasi ng mga ito ang performance niya sa fashion week event at mas humanga sila sa kanya pagkatapos nun.

"Proud na proud talaga ako sa'yo, Rose. Ang ganda-ganda mo lang doon sa suot mo," masayang sabi ni Ate Riley niya nung sinabayan na niya ito sa pagbabantay sa counter.

Nahihiya niya naman itong nginitian. "Tama na, Ate. Hiyang-hiya na ako."

Natawa naman ito sa sinabi niya.

"May I order?"

Sabay silang dalawa ni Riley na napatingin doon sa nagsalita. Nagulat naman siya ng makilala ito.

Hindi porke't hindi niya ito nakita kaninang umaga ay makakalimutan na kaagad niya ang ginawa dito kagabi. Namula tuloy siya harapan nito.

"Big Boss."

"O, Miss Santos, dito ka pala nagtatrabaho."

Nawala ang hiya niya dito at napataas pa ang isang kilay niya dahil sa narinig. Bakit naman kasi ito magugulat na nagtatrabaho siya doon eh napag-usapan na nila ang bagay na iyon ilang araw na ang nagdaan.

Kahit sa Warren na nasa likuran ni Eira ay halos sumuka ng dugo sa sinabi ng boss niya. Kelan pa kumapal ng ganoon ng mukha ng boss niya?

Ang tao naman na halos ikahiya nilang dalawa, ayon at parang wala lang na umorder ng kape. Si Rose na ang umasikaso ng order nito. Para narin makalayo siya kay Eira. Nahihiya parin siya dito!

Habang inaasikaso niya ang order nito ay tsaka naman may dalawang bagong customer na dumating. Mga taong hindi inaasahan ni Rose na magpupunta sa lugar na iyon.

Ano'ng meron sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya at nagtipon-tipon ata ng araw na iyon ang mga taong nagbibigay ng matinding pressure sa buhay niya?

"Nagmamadali kami kaya pwedeng kami na ang mauna?" sabi ni Livia na hindi man lang nagawang tingnan ang taong kinausap.

Hindi sana papansinin ni Warren ang babaeng nasa likuran niya pero nainis kasi siya sa paraan ng pananalita nito kaya niya hinarap. Pero ng makita itong nakayuko at busy sa phone nito ay mas nainis pa siya dito.

Napaisip si Warren kung sino ito para magmadali. Yung boss nga niya na siyang pinakabusy ata sa City C ay matiyagang pumila para lang maka-order tapos ito? The audacity!

Nung hindi sumagot si Warren ay inangat ni Livia ang tingin mula sa phone niya papunta sa lalaki. Dahil hindi niya nakilala ang kaharap ay biglang nag-init ang ulo niya.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon