Chapter 5

6.8K 319 12
                                    


5:

Nagkakape si Jax ng magising si Rose at maabutan siya nito sa kusina. Wala na si Eira ng mga oras na iyon dahil maaga itong nagpunta sa opisina.

"Boss," tawag pansin niya dito. Umupo siya katapat nito.

"Pasensiya na sa nangyari kagabi."

Inilapag ni Jax sa counter ang basong hawak. Tsaka niya tiningin si Rose. He looked at her amused.

"I think it's not me who needs your apology."

He's hinting something on her. Nakuha naman ni Rose ang gusto niyang sabihin. Who wouldn't?!

But I doubt she needs it. I bet she's more than satisfied to what you did last night.

Tumaas ang sulok ng labi ni Jax.

Pinisil-pisil ni Rose ang ulo dahil sumakit na naman iyon. Hangover still lingering in her head. Pero mas sumakit ata ng maalala ang ginawa niya sa nakakatandang kapatid ng boss niya.

Ako pa ata ang gumawa ng paraan para mamatay ng maaga!

Nangangamba na tuloy siya sa buhay niya.

"You want coffee? Baka makatulong sa hangover mo."

Tatayo na sana si Jax para magtimpla ng isa pang baso ng kape. Pinigilan kaagad siya ng babae.

"Ako na, Boss." Tsaka tumayo si Rose. Nagtanong na lang siya sa lalaki ng kaonti at siya na ang nagtimpla para sa sarili niya.

Bumalik din naman siya kaagad sa pwesto niya. Hinay-hinay siyang humigop ng kape mula sa mug. At ng dumaan sa lalamunan niya ang mainit na likido ay gumaan na ng konti ng pakiramdam niya.

"By the way, ipapakilala na kita sa magiging manager mo mamaya. Napili na kasi kung sino ang hahawak sa iyo."

Napatingin naman si Rose sa kanya. Nakakunot ang noo nito dahil sa pagkakaalam niya ay bago pa siya pumirma sa kontrata ay decided na ang manager niya. Yun ang sinabi ng boss niya nung una pa lang. Kaya naman nagtataka siya kung bakit mukhang kakapili lang nito ng hahawak sa kanya.

"Akala ko ba decided na kung sino ang magiging manager ko? Bakit parang kakapili mo lang, Boss."

Malapit ng maibuga ni Jax ang kapeng iniinom ng mga oras na iyon. Napaismid naman siya ng konti pagkatapos.

Bakit hindi mo iyan itanong sa Ate ko? Pinadala niya pa talaga sa akin yung isang damakmak na papel tapos siya ang pumili! Ha!

"Well, tiningnan ko kasi kung baka may ibang mas bagay bilang manager mo. In the end, yung manager na sinabi ko sa iyo ng una ang napili."

Yun ang kinainis niya sa ate niya kagabi. Sa huli naman kasi ay yung unang sinuggest niya ang pinili nito. Kailangan na talaga niyang humingi ng reward sa pagiging brilliant niya.

"Then uuwi na ako pagkatapos nito, Boss."

"Hindi na kailangan. May extrang mga damit naman pangbabae doon sa tinulugan mo. Kay ate yun pero hindi niya nagamit."

Agad naman umuling si Rose. "Baka magalit si Miss Saavedra kapag sinuot ko iyon."

"Oh, Miss Saavedra na ngayon kasi hindi na siya lasing? Magtatampo ate ko niyan kapag narinig ka niya."

"Hindi na Big Boss?"

"Huh?"

Nang maintindihan niya ang tanong ni Jax ay namula ang pisngi niya sa kahihiyan. Klarong-klaro sa alaala niya ang pinaggagawa niya kagabi!

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon