Chapter 52

3.2K 235 28
                                    


C52:

Para kay Eira ay iyon ang pinakamalas na araw para kay Livia dahil sa wakas ay nahanap na niya ito at magbabayad na ito sa kasalanang ginawa kay Moxielle. Ang hindi niya lang inakala ay dadagdagan pa nito ang kasalanang nagawa dahil ng mga oras na iyon ay hawak ng babae si Moxielle. Muling nasa kamay niya ang buhay ng babae.

At halos may sumabog na ugat sa ulo ni Eira dahil sa nalaman. Nakasakay siya sa kotse ni Filbert at balak ng puntahan ang lokasyon ni Livia ng tumawag naman si Sarge para ibalita na nawala si Moxielle at base sa mga nakalap nilang impormasyon ay si Livia ang taong tumangay dito.

"Ano ba talagang ginagawa niyo?! You have one job, Sarge! One job!"

Nailayo ni Sarge ang phone na hawak dahil sa sigaw na iyon ni Eira mula sa kabilang linya. Pero maliban doon ay nangingig na sa takot ang lalaki dahil muli na naman siyang nagkamali sa trabaho. Nawala na naman sa paningin niya si Moxielle. Ang kaisa-isang taong ibinilin sa kanya ng amo na bantayan niya. Mabuti lang sana kung simpleng tao lang si Moxielle pero hindi. Ito ang pinakamahalagang tao sa buhay ng amo niya. At kung tuluyang may mangyaring mas masama dito kesa sa huling nangyari dito ay buhay na niya talaga ang magiging kapalit.

Hindi na siya nakapagpaliwanang sa amo ng ibinaba nito kaagad ang tawag. Napabuntong-hininga na lang tuloy siya. Wala din naman kasi siyang sasabihin dito dahil alam niya na mailigtas man o hindi si Moxielle sa mga oras na iyon ay alam niyang mapaparusahan na talaga siya ng malala ni Eira.

Habang namomroblema sa kinatatayuan niya ay nakatingin naman ang mga kasama niya sa kanya na may simpatya sa mga mata. Nasa isip din ng mga ito ang mga naisip niya dahil matagal na silang naninilbihan sa mga Saavedra, at alam na nila ang parusa sa mga taong hindi sumusunod ng mabuti sa inuutos dito.

Ang tanging iniisip na lang tuloy ni Sarge pagkatapos ay kung paano niya makakaya ang dilubyong kakaharapin pagkatapos nito.

Sa gawi naman nila Filbert ay tahimik na nakaupo si Eira sa passenger seat na katabi ng lalaki. Seryoso itong nakatingin sa daang tinatahak nila.

"Relax. Makikita din natin kung asan sila. Sinusundan na ng team ko ang bakas na iniwan ng babaeng iyon," sabi ni Filbert kay Eira para pakalmahin ito.

Mukha lang kasi itong kalmado pero ang totoo ay hindi. Alam niya kung kelan ito namomroblema at kung kelan hindi. Ano pang silbi at naging kababata siya nito kung hindi siya ang isa sa mga taong mas nakakaintindi dito.

Pero maliban doon, namamangha siya sa babaeng hinahabol nila ngayon. Ang babaeng paulit-ulit na nagdadala ng pahamak sa pinakaimportanteng tao sa buhay ni Eira na si Moxielle.

Sigurado siyang alam ng babae na may naghahanap dito dahil sa ginawa kay Moxielle pero ang lakas ng loob nitong ipaalam ang lokasyon para lang muling maghigante kay Moxielle.

Para bang ipinapaabot nito na wala na itong pakialam sa buhay nito basta kapalit din nun ay ang buhay ni Moxielle.

"She's mad. Hindi na maayos ang utak ng babaeng iyon mula palang nung una."

Napasulyap ng sandali si Filbert kay Eira tapos ibinalik din kaagad ang tingin sa daan. Mukhang nakuha ng kaibigan niya ang iniisip tungkol sa babae.

"Hindi niya ba alam ang tungkol sa inyo ni Moxielle?" usisa niya. Nagtataka din kasi siya kung bakit iyon gagawin ng babae lalo pa at sa likod ni Moxielle ay nandyan si Eira at sumusuporta dito.

"Hindi. Mula pa nung una ay hindi gusto ni Moxielle na ipalaam sa kung sino lang ang tungkol sa koneksyon naming dalawa. Ang sabi niya nga ay tama ng tinulungan ko siya para mailipat sa M-Light. Ang gamitin ang pangalan ko ay pagmamalabis na para sa mga mata niya," kahit hindi na maganda ang sitwasyon ay may lumitaw na konting ngiti sa labi ni Eira dahil sa naalala tungkol kay Moxielle.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon