Chapter 29

3.8K 249 32
                                    


29:

Kahit nakabalik na sa City C ay hindi parin nila nahanap si Rose. Ganoon na lang tuloy ang galit ni Eira pag-uwi niya sa bahay. Wala siyang pake kahit nandoon ang mga magulang niya at nakasunod din ang kapatid niya sa kanya. Lahat ng madaan na pwede niyang wasakin ay pinagkukuha niya at pinagtatapon.

Si Jax naman ay walang nagawa kundi ang maawa sa mga sinira ng ate niya. Mga mamahalin pa naman ang mga iyon. Alam niya naman na kaya iyong palitan ng ate niya pero nanghihinayang parin siya.

Nagwala ng nagwala ang babae pero hindi siya pinigilan ng pamilya niya. Hinayaan siya ng mga ito na ilabas ang nararamdaman niya dahil minsan lang rin siya maging ganoon. Nagulat nga ang mga ito na kaya niyang magalit ng ganoon kalala. Normally, tahimik lang ito sa kahit ano mang bagay. Galit man ito o masaya.

Matapos magpaka-beast mode ay agad siyang nagkulong sa kuwarto niya. Sila Jax naman ang umasikaso sa mga kalat na ginawa niya. Parang dumaan lang ang isang napakalakas na bagyo sa loob ng bahay sa lagay nito.

"Sa inaakto ng kapatid mo ay mas naku-curious ako kung sino ba itong si Rose. Ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng ganitong emosyon ang katapid mo," sabi ng ina ng magkapatid na Saavedra. Napatingin naman sa kanya si Jax.

"I bet you'll be satisfied if you will see her, Ma. She's great. Kaya nga halos mabaliw-baliw iyang panganay mo eh," sabi naman ni Jax pabalik sa ina. Napataas naman ang isang kilay ng katabi nito, ang ama niya.

"Halos? Nabaliw na talaga siya," komento naman ng ginoo. Natawa hindi lang ang ginang na katabi nito kundi pati narin si Jax dahil sa sinabi nito.

"At tsaka nakapagtapat na ba iyan doon sa babae? Mukhang hindi pa pero kung umasta akala mo asawa. Nakakahiya," dagdag pa ng ama ng magkapatid.

Mas napatawa ng malakas si Jax dahil doon. Parang wala sa kanya na nagkukulong ng mga oras na iyon ang kapatid niya. Parang wala lang rin sa kanya na nawawala ng mga oras na iyon si Rose. Hindi niya alam pero mula ng makabalik sila sa kanila ay napanatag bigla ang loob niya na kanina pa kabado para sa babaeng tinuring narin niyang kaibigan. Hindi siya sigurado pero dama niya na ligtas ito at hindi na nila kailangang mag-alala pa.



At tama nga siya dahil kinabukasan paggising niya ay may tumawag sa kanya. Ang manager ni Rose na si Imara. Sinabi nito na kasalukuyan na nandoon sa bahay nito ang kahapon pa nila hinahanap na si Rose. Nagulat nga siya ng marinig iyon. Ibig sabihin nakatakas nga ito sa tatlong lalaki na naabutan nila. Pero paano?

Kung nakatakas nga ito ay bakit hindi sila nito tinawagan man lang para ipaalam ang kalagayan nito?

Nang sabihin ni Imara sa kanya na kaya hindi na siguro nasabi ng kaibigan nito sa kanila na okay na nga ito ay dahil sa pagod narin ito kahapon. Nalaman niya na bagsak kaagad ito pagkatapos na dumating sa bahay ng manager nito. Kaya naintindihan niya kaagad ang rason ni Rose.

Matapos ang tawag ni Imara sa kanya ay agad niyang tinawagan ang ate niya at ipinaalam dito ang sinabi ng manager ni Rose. Wala siyang narinig na ano mang sagot mula sa kapatid niya. Sa halip ay matapos na sabihin niya na nasa bahay ni Imara si Rose ay agad nitong ibinaba ang tawag. 

Nang sumilip siya sa kabilang bahay kung saan nakatira ang ate niya ay nakita na lang niya ang paglabas ng kotse nito. At kung tama siya ay lulan nito ang ate niya na mukhang nagmamadaling puntahan ang lokasyon ni Rose. Napangiti na lang siya at nagpunta sa kusina. Magkakape na lang siya. Hindi na niya kailangang abalahin pa ang ate niya sa pupuntahan nito.







Halos paliparin ni Eira ang kotse na minamaneho niya para puntahan lang ang lugar kung nasaan si Rose. Alam na alam niya ang address ng manager nito dahil manager nga ito ni Rose. Siya ang pumili dito at kung may gawin man itong kapalpakan sa trabaho nito lalo na kapag involve si Rose ay atleast alam niya kung saan niya ito pupuntahan. Hindi niya alam na magagamit niya ang impormasyon para lang makita ang babaeng kahapon niya pa gustong makita.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon