Chapter 38

4.3K 316 62
                                    


38:

"Ims, punta lang muna akong CR."

Nang tumango si Imara ay hudyat na iyon para kay Rose para umalis na.

Naglakad lang siya ng wala masyadong inaalala, minsan nga ay napapatingin pa siya sa paligid. Ang hindi niya lang napansin ay ang taong kanina pa nakasunod sa kanya mula ng umalis siya sa tabi ni Imara. Mahigpit ang hawak nito sa dalang bag habang masamang nakatitig sa nakatalikod niyang pigura.

Pagdating niya sa comfort room sa floor kung nasaan sila ngayon ay agad siyang pumasok sa isa sa mga cubicle doon. Dahil swerteng wala namang tao kaya pinili niya yung pinakamalapit. Pagsara niya ng pinto ay tsaka naman pumasok sa comfort room yung taong nakasunod sa kanya.

Kinuha nito sa bag ang nakahanda na nitong puting mga gloves at sinuot. Isang kutsilyo naman ang sumunod nitong kinuha pagkatapos.

Napangisi yung tao at napatingin naman ng masama pagkatapos sa cubicle kung saan pumasok si Rose. Nanlilisik pa ang mga mata nito dahil sa galit.

Nang marinig nito ang pagragasa ng tubig dulot ng pagpindot ni Rose sa flush ay mas lalong nanabik ang puso nito. Mas naging excited dahil malapit na siyang magtagumpay sa plano niya.

Pagbukas ni Rose ng pinto ay hindi niya kaagad nakita na may iba siyang kasama sa lugar na iyon. Nakayuko kasi siya at tinitingnan ang damit niya kung nagusot ba o ano.

Napansin niya lang nung ito na ang lumapit sa kanya. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya kaagad na si Livia iyon. Magtatanong pa sana siya kung bakit ito nandoon ng marealize niya kung ano ang hawak-hawak nito.

"Livia?" may kabang saad niya.

Hindi na siya nakahuma pagkatapos dahil agad siya nitong sinugod. Nang bumaon ang malamig na patalim sa katawan niya ay siya na mismo ang tumulak sa babae para mailayo ito sa sarili niya.

Dahil hindi naman nito binitiwan ang patalim na hawak kaya nung lumayo siya dito ay mas nakaramdan siya ng sakit pagkatapos mabunot ang kutsilyong panandaliang nabaon sa katawan niya. Napahawak siya sa sugat na nakuha. Dama niya ang pagdaloy ng dugo mula doon. Gusto niya mang pigilan pero patuloy lang talaga ito sa pag-agos.

Nang mga oras na iyon ay nanlalamig na ang mga kamay niya at ang katawan niya naman sa kabuoan ay nanghihina narin. Kaya naman napasandig siya sa gilid ng cubicle.

"Bakit?" Pinilit niya ang sarili na makapagsalita. Kailangan niya iyong itanong sa pinsan niya. Kailangan niyang malaman ang rason. Dahil naniwala pa naman siya na baka may pag-asa pa ang pinsan niya. Na magbabago pa ito.

Kaso sa ginawa nito ay nabasag nito ang puso niyang umaasa para dito. Handa siyang patawarin ito sa mga kasalanan nito sa kanya noon pero ngayon...ito pa talaga mismo ang kumilos para maisagawa ang masama nitong plano sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ngayon ay kung bakit dahil hindi naman na sila konektado sa isa't isa. 

Hindi ito sumagot sa tanong niya. Nakatingin lang ito sa mukha niyang namumutla na kanina pa.

Pero hindi kalaunan ay mukhang natauhan ito sa ginawa. Nanlaki ang ang mga mata nito na para bang hindi makapaniwala sa nagawa. Taranta tuloy nitong ipinasok ang patalim na hawak nito sa bag na dala. Pati ang gloves nito na suot ay itinago din nito bago ito nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. Iniwan nito si Rose na nagsisimula nang mamigat ang mga talukap sa mata. Idinausdos ni Rose ang sarili sa gilid para makaupo.

Ipipikit na sana niya ang mga mata dahil kanina niya pa gustong gawin iyon pero hindi niya tuluyang nagawa dahil may pumasok sa CR. Sinubukan niyang tingnan pero hindi na niya naklaro pa dahil nagsimula naring manlabo ang mga mata niya.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon