Chapter 8

6.1K 317 32
                                    

8:

Matapos kumain ng gabing iyon ay nagpunta ang tatlo sa sala para manood ng TV. Pumayag naman ang mga magulang ni Rose na makikitulog muna siya kay Jax kaya walang problema. May tiwala na ang mga magulang niya sa lalaki simula pa lang nung nagkita ang mga ito nung nagdaang araw.

Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam si Jax na mag-si-CR ito. Mukhang hindi natunawan sa dami ng kinain nito.

"Iyan ang nakukuha mo sa pagiging masiba sa pagkain."

"Oo na!"

Tsaka tumakbo ito papunta sa CR.

Naiwan ang dalawa na nakatingin pareho sa screen ng TV. Nanood sila ng isang foreign drama at nasa kalagitnaan na sila ng palabas.

Napatingin si Eira kay Rose. Tutok na tutok ang babae sa pinapanood. Kulang na lang ay pumasok na ito sa TV dahil parang involve ito sa lahat ng nangyayari sa palabas.

Naramdaman ni Rose ang tingin ni Eira pero ipinagsa-walang bahala na lang niya dahil hindi naman siguro iyon magtatagal.

Ilang minuto pa pero hindi parin tinatanggal ni Eira ang tingin niya kay Rose kaya kinabahan na yung babae.

Ano na namang ginawa ko?

Napaupo na ng tuwid si Rose dahil doon. Even her body became stiff. Nagsilabasan na rin ang mga pawis sa katawan niya dahil sa kaba.

"Can't she stop doing that?!

Kinakalikot niya ang ulo niya para lang makahanap ng sagot kung bakit parang sinusuri siya ni Eira gamit ang mga mata nito. Sa pagkakaalala niya ay wala naman siyang masamang nagawa ng gabing iyon. Sinigurado niyang makakabawi siya sa ginawa kagabi.

Galit pa rin ba siya sa akin?

Yun lang naiisip niyang dahilan.

"Nakausap ka na ba ni Jax tungkol sa ideya ng pag-a-artista?"

Ang seryoso ng mukha ni Eira habang tinatanong iyon kay Rose. Mas kinabahan tuloy yung babae. Kailangan niyang sumagot ng tama dahil baka malagot siya!

"Hindi pa, Big Boss."

Napatingin ito sa kanya. Nagtatanong kung bakit hindi pa iyon ginagawa ni Jax.

"Hindi rin naman ako papayag. Hindi ko gustong pumasok sa magulong mundo ng pag-a-artista. Modelling is enough for me," paliwanang niya.

"But still you have a talent for it. Bakit hindi mo subukan?"

Hindi niya alam kung bakit parang gusto ni Eira na pumasok siya sa ganoong industriya pero kailangan niyang ipaliwanang dito ang dahilan para maliwanagan ito.

"May time na inisip ko rin iyon, Big Boss. Dumating lang talaga ako sa point ng buhay ko na narealize ko na hindi para sa akin ang bagay na tulad ng pag-aartista. Iniisip ko pa lang na palagi akong sinusundan ng camera everywhere I go, my ghad nakakatakot."

"Hindi ba pareho lang naman ang circumstances kapag model ka."

"Hindi din. Mas scrutinized ang buhay ng artista kesa sa buhay ng isang model."

Alam na alam niya ang pinagkaiba ng pag-aartista sa pagiging model. Bata palang siya ay natutunan na niya ang bagay na iyon. Kaya nga off topic talaga para sa kanya ang pag-a-artista.

"Iniisip mo ba Big Boss, na kapag nag-artista ako ay mas mabo-boost ang popularity ko at mas dadami ang offer sa akin na maging model?"

Kinapalan na niya ang mukha niya sa tanong na iyon. Sino ba siya para bigyan ng panahon nito para mag-isip ng paraan para pasikatin siya?!

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon