Chapter 2

9K 382 68
                                    

2:

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay pinahatid siya ni Eira sa personal driver nito. Tatanggi pa sana si Rose kaso tiningnan na naman siya ng masama ni Eira kaya pumayag na lang siya.

"Salamat po Driver Mo," sabi niya sa lalaking may kaedaran na siyang naghatid sa kanya.

"Walang ano man, iha. Kami nga ang dapat magpasalamat sa iyo dahil sa ginawa mo para kay Sir Jax," saad nito.

"Jax?"

"Ay, yun po ang tawag namin kay Sir Jackson. Ayaw niya po kasing tinatawag sa mahaba niyang pangalan. Lalo na po sa pangalang Caleb."

Napatawa ng mahina si Rose dahil sa sinabi ni Driver Mo. Alam niya kasi ang dahilan kung bakit ayaw ni Jax na tawagin ito sa pangalang Caleb. Pero mas natawa siya kasi kahit gaano man nito kaayaw sa pangalang meron ito ay hindi parin maitatanggi that he's living up to his name, a loyal dog, especially to his sister, Eira.


On the other side ay nag-uusap naman ang magkapatid na nakasakay na sa isang itim na kotse. Umalis na rin sila sa ospital matapos kausapin ang staff doon. Pinayagan na nilang makalabas si Jax dahil hindi naman malala ang natamo nitong sugat at naagapan naman kaagad kaya hindi na lumalala kaya walang dahilan para magtagal pa ito doon.

"I need you to thoroughly background checked that woman."
  
"Akala ko ba Ate nagawa mo na?"

"It's only her name and some basic infos."

"Ang tanong bakit kailangan pa nating alamin yung iba pang information tungkol sa kanya. Mukhang hindi naman kriminal yung tao."

"And that's why I need you to do it."

Napakamot na naman sa ulo niya si Jax. "Hulaan ko ha," sabi niya sa ate niya. "Nagdududa ka sa kanya dahil sa initially ay tumanggi siya na tanggapin ang alok mo sa kanya. Nagtatanong tuloy ang isip mo kung bakit ganoon yung babae, ano? Hindi mo maisip kung bakit ganoon ito dahil lahat ng tao na nasa paligid mo ay susunggaban agad bawat oportunidad na ibigay mo."

Napatingin lang ng blanko si Eira sa kapatid niya. Tama na naman ito sa hula nito tungkol sa iniisip niya. Nakakadagdag tuloy sa pagka-annoying nito ang kakayahan nitong basahin ang isip niya.

"Yung pinapagawa ko natapos mo na?"

Eksahiradong tumingin si Jax sa ate niya. Akala niya ay hindi na ito magtatanong tungkol doon dahil nga sa nangyari sa kanya pero mali pala siya dahil mas importante pa kesa sa kanya ang trabaho nito.

Ang rason kung bakit ayaw niyang ibigay ang bag niya sa magnanakaw ay dahil nasa loob nun ang mga papeles na pinapahanap ng Ate niya. Nahirapan na nga siyang kunin yun tapos ibibigay niya lang basta?!

"Ito na," inabot niya yung papeles sa Ate niya.

Binasa naman nito ng mabilis ang mga nakasulat doon.

"Good," satisfied na saad ni Eira.

"Wala man lang ba akong reward dahil diyan? Tingnan mo naman at nasaksak pa ako para lang protektahan ang napakaimportanteng papeles na iyan," nagpaawa effect pa si Jax kay Eira pero ang tanging natanggap niya ay isang masamang tingin.

"How stingy!"

"Ikaw na ang bahala kay Miss Santos. Gusto ko na bukas na bukas ay nakalipat na siya sa agency mo. And ibigay mo din pala ang listahan ng mga managers na available doon dahil gusto kong ako mismo ang pipili sa hahawak sa kanya."

Hindi makapaniwala si Jax sa inaasal ng ate niya. Ngayon lang ito nakialam sa isang bagay na konektado sa agency niya. Never talaga nagkainteres ang ate niya sa entertainment industry kaya sa kanya napunta ang pamamalakad ng M-Light. And to see his sister like this...

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon