Chapter 32

4.2K 282 39
                                    


32:

"Are you okay now?"

"Hindi na masyadong masakit yung hita ko pero okay na rin konti. Andyan pa yung pasa pero hindi na ganoon kalala tingnan kumpara naman nung bumisita tayo sa ospital, Big Boss."

"Good. I expect that you'll remain still there and rest. You still got a week so take your time."

"I will."

"Siya nga pala. Nasabi na ba sa iyo ng manager mo o ni Jax ang tungkol sa nangyari sa mga offer sa iyo na tinanggap mo at tatrabahuhin sana pero hindi mo na magagawa dahil sa pagpapahinga mo?"

Itinanong na iyon ni Eira habang nakatayo siya malapit sa malawak na bintana ng kanyang opisina. Nakatanaw siya sa labas at pinapanood ang mga nangyayari sa ibaba ng building.

"Nasabi na sa akin ng manager ko, Big Boss."

"Hindi ka galit sa akin?" nag-aalalang tanong ni Eira. Hindi niya magawang hindi magduda sa sarili dahil sa ginawa. At first time niya iyon. Pero kung iisipin kasi ay parang pinanghimasukan niya ang buhay ni Moxielle dahil sa ginawa. Kaso, ang gusto niya lang naman ay ang makarecover ng mabuti ang dalaga dahil baka kapag nagtrabaho ito ng hindi maganda ang pakiramdam nito ay baka mas mapasama lang ito at hindi niya iyon gustong mangyari sa babae.

"I know it was out of line but you had reasons that's why I can't get angry about it," sagot ni Moxielle na nagpakalma sa kanya. Kabado kasi siya kanina habang hinihintay ang sagot nito.

And isn't it something similar? Yung sagot nito at naging sagot niya dito nung tinanong siya nito kung galit ba siya dito dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya. Napangiti tuloy siya.

Si Warren na palagi namang nandyan lang sa gilid at naghihintay ng utos ay kinilabutan dahil sa nakitang pagngiti ng boss niya. Kasunod ba ng pagkakagood mood ng boss niya ay isang dilubyo? Kailangan na ba niyang maghanda? Iyon ang iniisip ni Warren habang nakatingin kay Eira.

"Well, I'm grateful. Akala ko ay magagalit ka sa akin," sabi ni Eira sa kausap sa phone niya.

"Nung una, naisip ko talagang magtrabaho pagkatapos kahit pa may iniinda ako kasi syempre nasasayangan ako. Pero nung nalaman ko kay Imara na nagdecide sila ni Boss na bigyan ako ng two weeks na pahinga ay napagtanto ko na tama rin siguro na magpahinga na lang muna ako. Kaysa naman nagtrabaho ako ng hindi hundred percent, edi baka nakasama pa iyon sa performance ko at nakasama sa image ko as a model. And...take note'and'...narealize ko na ikaw yung talagang nagsuggest na magpahinga ako for two weeks. Ang talino ko talaga at naisip ko yun, di ba Big Boss?"

At isang malutong na halakhak ang narinig sa buong opisina ni Eira. Tama naman kasi si Moxielle dahil hindi niya talaga sinabi dito ang ginawa. The woman figured it out on her own. At talagang ipinagmalaki pa nito sa kanya ang nagawa!

Singit sa eksensa, mas lalong kinabahan si Warren dahil tumawa naman ngayon si Eira. Naniniwala na talaga siyang may masamang mangyayari pagkatapos nito.

"Mag-i-end na siguro talaga ang mundo."

Hindi lang naman siya ang halos walang masabi sa nakita at narinig. Kahit ang kausap ni Eira sa phone na si Moxielle ay natigilan din ng marinig ang tawa ni Eira.

May kung ano'ng humaplos sa puso ni Moxielle ng marinig ang pagtawa ni Eira ng ganoon. It's so pure...and kinda cute to hear. Unang beses atang narinig ni Moxielle si Eira na tumawa na para bang may narinig itong hindi kapani-paniwala. Usually, seryoso kasi ang mukhang nakikita niya dito kapag magkaharap sila. Tapos minsanan lang rin niya makitang nakangiti ito. At ang marinig na tumawatawa ito ay isang bagay na hindi niya talaga inaasahan.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon