Chapter 55

3.4K 229 51
                                    


55:

Ilang minuto lang matapos ng eksena nila ay hindi parin nakakatulog si Eira. Gusto niyang magpabaling-baling ng posisyon para makahanap kung saan siya komportable at makakatulog pero hindi niya magawa dahil yakap nga siya ni Moxielle. Ayaw niya itong disturbuhin.

Ang hindi niya alam na katulad niya ay hindi pa din nakakatulog uli si Moxielle. Nakasara ang talukap ng mga mata nito pero paano nito maatim na hayaan ang sarili na matulog kung ramdam ng mga braso nito na nakayakap sa katawan ni Eira ang paninigas nun. Dama nito na hindi siya komportable pero hindi ito nagsalita at naghintay ito. Naghintay na si Eira mismo ang kumausap dito at sabihin ang rason kung bakit ito nagkakaganoon.

Nagtataka din kasi si Moxielle. Oo at hindi sila kelanman nagkasamang matulog sa iisang kuwarto tuwing gabi pero may mga oras naman na magkatabi silang nakakatulog sa sofa sa bahay nito. Iyon yung mga oras na pareho silang pagod sa kapapanood ng palabas sa napakalaking flatscreen nito sa sala at pareho nilang makakatulugan iyon. They do cuddles when watching that's why there are times they could end up like that.

Pero ngayon na magkatabi uli sila parang may kung ano itong dinadalang problema. At gusto niya na ito mismo ang magsabi sa kanya tungkol doon.

Kakahintay niya ay siya na rin ang nawalan ng pasensiya. Iminulat niya ang mga mata at tiningnan ito sa mukha. Naramdaman naman iyon ng kasama kaya napatingin din ito sa kanya.

"Gising ka pa," sabi nito.

"Dahil gising ka pa."

Napakunot-noo ang babae dahil sa hindi nito maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Kanina ka pa gising. And for some reason, you're thinking of something that makes you still awake at this hour. Ano'ng pinoproblema mo?" Umisod siya papalapit kay Eira. Inilapit niya pa ang mukha sa mukha nito. Hindi pa siya nakuntento at hinawakan niya pa ito sa kanang pisngi. Ang a mysterious glint flashed in Eira's eyes. Mabilis din namang nawala kaya hindi na niya napag-alaman kung ano ang ibig sabihin nun.

"Kailangan mo lang matulog, Moxielle. Hindi biro ang nangyari sayo. And as for me, sleep will come by eventually so go on ahead and sleep." Utos nito na para bang wala talaga itong nararamdaman na kakaiba kahit ramdam niyang meron. May tinatago ang babae sa kanya.

Mas nilapit niya pa ang mukha nilang dalawa hanggang sa magkalapat na pareho ang dulo ng mga ilong nila.

"Sabihin mo muna ang problema mo. Kahit hindi mo sabihin ay nararamdaman kong may iniisip ka na bumabagabag sayo sa mga oras na ito. You can talk to me. We are here for each other, remember?"

"Paano kung sabihin ko na sa mga oras na ito ay nag-iisip ako ng masama tungkol sa iyo?" Malalim pero mahina ang boses ni Eira. Binulong nito na para bang iyon lang talaga ang magagawa nito dahil wala itong lakas ng loob na sabihin iyon ng malakasan sa harap mismo ng pagmumukha ni Moxielle.

"Nag-iisip ng masama?" And there she saw something in her eyes. Kung kanina napadaan lang pero ngayon klaro na sa paningin niya ang kakaibang kinang sa mga mata nito.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa bewang niya. "Eira," halos pabulong niyang pagtawag sa pangalan nito. Pero mukhang dahil doon ay mas lalong lumala ang sitwasyon.

It was like a fire starter that ignited again the emotions that Eira tried to suppress. Nagmeditation na siya habang yakap siya ni Moxielle. Nanalangin sa iba't ibang santo na kilala niya at humingi narin ng tulong sa taong nasa itaas para tulungan siyang makatakas sa tuksong balak siyang ipahamak.

Hindi alam ni Eira na si Moxielle pa ang wawasak sa konsentrasyon na pinilit niyang buohin kahit simula palang nung una napakahirap ng gawin.

Inilapit niya ang mukha sa babae. Hindi naman ito gumalaw at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Wala itong ginawa hanggang sa maramdaman nilang dalawa ang pagalalapat ng mga labi nila.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon