Chapter 34

4.2K 269 25
                                    

34:

"She looks like Moxielle, di ba Tita?"

Biglang nakawala si Irena mula sa pagkakalunod niya sa mga alaalang matagal na niyang iniiwasan ng magsalita ang katabi niyang si Odette. Kanina pa ito nasa gilid niya at nakatingin din kay Rose ng mga oras na iyon.

"Kung hindi siya namatay ay siguradong ganyan siya ngayon kaganda," dagdag pa nito.

May kung ano namang tumama sa kanya nung sabihin nito iyon lalo na ng marinig niya ang salitang 'namatay'. Tama, patay na si Moxielle. matagal na. Kaya bakit kanina parang hinihiling niya, ng puso niya, na buhay pa ang anak niya at ito si Rose na siyang papalapit sa pwesto nila? Pero kailangan niyang itigil ang ganoong pag-iisip. Dahil hindi na babalik ang taong matagal ng patay. 

"Ikaw na nagsabi na patay na si Moxielle. So stop talking about her. I hate hearing her name and you know it," may galit na saad niya. Gulat tuloy na napatingin sa kanya ang katabi. Nagtaka kung bakit bigla-bigla ay nagalit siya.

Galit siya, oo, dahil ano nga ba ang iniisip niya nung ipinanalangin ng puso niya na sana si Moxielle na lang iyon. Na ang anak niya ang taong tinitingnan nila ngayon.

Ang pag-iisip din na iyon ang nagdala ng kung ano-anong emosyon na ayaw na ayaw niya na sanang maramdaman o kahit maisip man lang.

Pero ayaw ata ng tadhana makisama dahil ng makalapit sa kanila si Rose at ng magpakilala ito ng pormal sa harap niya, may isang alaala sa isipin niya ang biglang lumitaw.

"She really looks like her," yun ang sabi niya sa kanyang isipan.

Sa mga mata niya ng mga oras na iyon, si Moxielle na batang-bata pa ang nakikita niya. Yung panahon na kabadong pumasok ang anak niya sa study room niya at kahit may takot na nadarama ay matapang na nagsalita sa kanya at sinabi ang gusto nitong sabihin. Like as if hinigop muna nito ang lahat ng lakas ng loob na meron ito bago nagsalita.

And from that, she's kind of afraid. Natatakot siya dahil sa epekto sa kanya ng presensiya ni Rose. Natatakot siya dahil hindi lang magkamukha si Rose at ang anak niya, she's like a matured version of her that she missed to see. 

"Tita."

"Tita."

Nakurap-kurap siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Odette. Kung saan na kasi lumipad ang isip niya kaya hindi niya kaagad narinig ang boses ng katabi.

"What?" tanong niya dito.

"Nagpakilala sayo si Rose pero kanina ka pa walang imik? Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Odette. Hindi ito sanay na makita siyang wala sa sarili. Kaya nag-alala kaagad ito nung hindi siya nagsalita matapos magpakilala ni Rose.

Napatingin naman si Irena kay Rose na nasa harapan niya. Katulad ni Odette ay may pag-aalala rin na nakabakas sa mukha nito.

"Okay lang po ba kayo?"

Dinig na dinig niya ang sinsiredad sa boses nito ng magtanong ito sa kanya. She could tell. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay at alam niya kung paano kilalanin ang peke sa hindi. Nang mga oras na iyon ay nagdududa tuloy siya kung totoo ba ang mga kwento tungkol dito nung nasa RedMoon pa ito nagtatrabaho.

Marami ang nagsasabi na masama daw ang ugali ng babae. May attitude problem ito. At madalas nitong napagtitripan ang anak niyang si Livia. Kaya nga nung una ay balak niya sanang pahirapan ito. Pambawi sa ginawa nito sa kanyang anak noon.

But that's just a plan na wala na siyang balak isakatuparan pa. Nang makita niya palang ito mula sa itaas ng hagdan ay nawala na iyon na parang bula sa kanyang isipan.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon