Chapter 23

10 1 2
                                    

Dinial ko agad ang numero ni Raven ngunit walang sumasagot rito. Sunod kong dinial ang numero ni Ivan. Ilang ring lang ay sinagot niya ito.

"hello , Ivan?" natatarantang sabi ko.

"what happen?"

"may mga sumugod rito sa bahay, nasa labas si kuya Mark. I don't know what happen there" pagtutukoy ko sa labas ng bahay.

"malapit na kami, maghanap ka ng pagtataguan" hindi na niya hinintay na sumagot ako agad niya iyong binaba.

Imbis na magtago ako ay agad akong tumakbo agad sa labas ng bahay at doon tumambad ang mga tauhan namin na wala na ng buhay. Agad kong hinanap si kuya mark ngunit wala siya.

Pinuntahan ko ang isang tauhan na may tama sa gilid ng balikat niya.

"ayos ka lang?" tumango ito. "si kuya mark?"

Namilipit pa itong umayos sa pagkakaupo nito sa sahig.

"kinuha po si boss ng mga lalaki" nagulat ako sa sinabi niya at the same time ay kinabahan ako.

"sinong mga lalaki? Namukhaan mo ba sila?" namimilipit sa sakit ng umiling ito.

Tinulungan ko siyang tumayo at saka ipinasok sa loob ng bahay.

Mga ilang minuto lang nakarinig kami ng sasakyan. Naging alerto kami ngunit namukhaan ko agad ang sasakyan lalo na ang unang bumaba sa loob ng kotse. Ang isa sa mga tauhan na pinagkakatiwalalan ni lolo.

Mabilis na bumaba ang sakay ng mga sasakyan mga sampo kotse at ang mga iyon.

Mabilis nilang pinalibutan ang boung paligid kasunod na bumaba si lolo at Ivan.

Tumakbo ako agad sa kanila. Niyakap ko si lolo. Mahigpit ang pagkakayakap niya dala ng pag-aalala. Naramdaman ko ang pagtakip ni Ivan sa likod ko tanda ng pagsimpatsya.

Nasa ganon kami ng sitwasyon ng makarinig muli kami ng mga sasakyan naging alarma ang mga tauhan ni lolo. Hinintay namin kung sino ang bababa sa loob ng kotseng iyon. Naging mabilis ang pangyayari, pare-pareho kaming nagulat ng may isang bagay ang inihagis nila nakabalot iyon ng itim na plastik na tinadtad ng tape ,kasing laki iyon ng tao. Mabilis na tumaliwas ang sasakyan. Hindi na naghintay ng utos ang mga tauhan agad din nila sinundan ang sasakyan na iyon. Naging mabigat ang bawat hakbang namin papalapit sa bagay na iyon. Isa sa mga tauhan ang sinenyasan ni Ivan. Agad na nagmadali ang mga tauhan at naging maingat sa paglapit at pagtanggal sa pagkakatakip non. Dumagundong ang kaba na nararamdaman ko. Hindi namin alam kung ano iyon. Maaaring isa iyong patibong or ano man iyon.

Nang maingat na natanggal ang nakabalot dito, dito na umalingasaw ang di kaaya ayang amoy nito. Don namin napagtanto na isang tao iyon. Ngunit di namin alam kung sino iyon dahil sa itsura nito halos di na makilala. Sunog ang boung katawan maging ang mukha nito, walang pagkakakilanlan.

Tinignan ko si lolo nakakunoot ang noo nito. Ang bawat pagkilos nito'y maingat. Sunod kong tinignan si Ivan. Nanlaki ang mata nito na parang nakilala ang taong nasa harap namin na sunog ang katawan.

"h-hindi ito maaari" sabi ni Ivan na naginginig na inaabot kung ano mang bagay na hawak ng bangkay, nasa kaliwang kamay nito.

Lumapit kami ni lolo at tinignan namin kung ano iyon.

Nagsisimula palang ako, magbabayad ang dapat magbayad.  - B.

Hawak nito ang ang isa pang bagay satingin ko'y kwintas ito, naka ingrid pa ang panagalan dito ni Ives. Doon ko lang napagtanto ang nangyayari.

Humagol-gol si Ivan. Hindi alintana sa kanya ang masang sang na amoy nito. Niyakap niya ang bangkay ni Ives.

Kakaonting oras lang na magkakasama kami ni Ives masasabi kong mabuti siyang tao. Hindi ko sukat akalain na hahatong siya sa ganitong karumaldumal na pangyayari. Walang mga puso ang mga ito.

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now