Chapter 25

6 0 0
                                    

Kinabukasan ay tahimik akong nagpaplano sa paghahanap kay Ian. Alam kong napapansin din iyon ni Ivan.

Ayaw ko pang magsabi sa kanya sa gantong sitwasyon.

Matapos ang mahabang pagpupulong kasama ang ibang member ng grupo. Madaling kumilos ang mga tauhan. Nagkaroon kasi ng lead ang ibang member sa kinaroroonan ni Ian. Pero di rin kami nagpasigurado na tama ang impormasyon na iyon baka patibong lang ang lahat ng iyon. Katulong din namin si kuya Mark sa paghahanap.

Bumuntong hininga ako ng malalim parang gusto kong maiyak na naman. Hindi kasi ako nakatulog kakaisip sa nangyari. Ang sakit , sa sobrang sakit diko na alam kung paano i-express yung sakit. Alam kong dinudurog ang puso ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit, but I Don't know how to do that.

"Jazz!" sigaw ni kuya Mark. Nagulat ako sa pagsigaw niya na yon. Kahit siya ay naguguluhan na din sa mga kinikilos ko.

"may problema kaba? Kanina pa kita tinatawag. Parang ang lalim ng iniisip mo" nag-aalalang tanong ni kuya.

"wala ito kuya, puyat lang siguro ako di kasi ako nakatulog kagabi kakaisip sa plano nating ito." pagdadahilan ko kahit na puyat naman talaga ako kagabi pero hindi naman sa plano ang iniisip ko.

Napabuntong hininga muli ako. Bakit ko ba iniisip iyon? Dapat diko dinidibdib ang bagay na iyon. Marami na akong napagdaanan na masakit dapat ay immune na ako sa sakit na ito.

"matulog ka muna don ako nabahala sa mga tauhan. Babalitaan na lamang kita" si kuya mark.

Alam kong alam ni kuya mark na may iniinda akong problema pero dahil kilala niya ako di na siya nagtanong or nagusisa pa dahil alam niyang di ako basta-basta nagsasabi ng problema.

Minabuti kong magpahinga na lang muna para hindi maging pabigat sa kanila. Humiga ako sa sofa sa loob ng opisina ni kuya mark.

...
Mark POV

Pinagmasdan ko ang mabagal at mabigat na paglalakad ni Jazz sa loob ng opisina ko. Nakita ko pang bumuntong hininga siya bago siya humiga sa sofa. Gusto ko sana na pauwiin na lang muna siya pero dahil sa ugali niyang matigas ang ulo for sure ay di niya gagawin.

Alam kong may problema siya. At alam ko din na si Raven ang dahilan.

Di pa siguro niya alam na may pinadalang invatation sa bahay. Invatation sa enagage party nila Serena at Raven. Dahil kung alam niya ay baka sinugod na niya ang bahay ni Raven.

Malamang ay nakipaghiwalay si Raven sa kanya kaya siya nagkakaganyan.

Napabuntong hininga din ako sa mga naiisip ko. Ako ang tumayong kuya niya pero parang hindi ko iyon magampanan.

Sa totoo lang ay naiinis ako sa nangyayari. Pakiramdam ko nga ay may mali sa lahat. Diko lang alam kung ano iyon.

Sa tagal kong napatitig sa nakahigang si Jazz ay diko napansin ang pagpasok ni Ivan.

Naalala ko malaki din pala ang kasalanan ko sa kanya. Nabalitaan ko din na patay na si Ives. Ang buhay nga naman kung sino pa yung mabuti sila yung maagang nawawala, kaya siguro nandito ako. Sa dami ba naman ng nagawa kong kasalanan, panahon na siguro para gumawa ng mabuti baka sakaling kunin na din.

Nung una'y nahihiya pa akong kausapin siya dahil na din sa nangyari pero di ko alam sa mga taong ito, never nangtanim ng galit. Para bang ka'y daling kalimutan ang mga bagay ng ginawa ko halos mapatay ko kaya siya!

"napansin mo rin ba?" tanong niya habang nakatingin kay Jazz na tamimik na natutulog. Mukhang di talaga siya nakatulog kagabi.

"ou, at alam ko din ang dahilan" napatingin siya sakin. Naparang gusto niyang malaman kung ano iyon.

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now