Chapter 10

25 4 0
                                    

Raven POV

"dad i understand why you do this, but please stop this para man lang kay Clarie"

"hindi ko kailangan ng tulong mo o suggestion mo , anak lang kita"

Napabuntong hininga ako. Masyado ng matigas ang puso ng daddy ko.

"ginawa ko ang lahat dad para lang lumago ang negosyo natin, sinunod ko lahat ng utos niyo... Pero ni minsan hindi niyo man lang naiisip nararamdaman ko"

"wag mong kwestunin lahat ng ginagawa ko .. Ginawa ko yun dahil sa inyo ni Clarie"

"ginawa?! Para samin?! Alin dad? ang kumitil ng buhay para lang diyan sa walang kwentang negosyo na yan"

Isang malutong na sampal ang dumpi sa pisngi ko. I know na naging bastos ako sa kanya. Pero hnd ko na kaya lahat ng ginagawa ng daddy ko.

Ginagawa ko ang lahat kahit labag sa loob ko.

"hindi mo alam ang hirap ng ginawa ko, itigil ko man wala na akong takas buhay niyo ang magiging kapalit. So gusto mong itigil lahat ito"

Don ko lang naramdamang emosyonal si dad.

"maraming paraan dad para makawala sa grupo na iyan."

"wala ng paraan" naging matunog ang malalim na paghinga ni dad.

Napayuko na lang ako, dahil sa walang magawa.

Sa sobrang daming utang ni dad non kumapit siya sa patalim kung saan nagbebenta kami ng drugs at mga baril binibenta ang mga ito sa ibang bansa.

Ang maling gawin na ito ang kinalakhian ko.

Nang malaman namin na may sakit si mommy ay doon na kumapit si dad sa maling gawain na yon. Ngunit nalaman ni mommy ang tungkol sa bagay na yon ay mas lalong lumalala ang sakit niya na naging dahilan ng pagkawala niya. Maliit pa lang si Clarie ng mawala si mommy.

Tinago namin s kanya ang tungkol sa pagkamatay niya. Dahil ayaw ni dad nakamuhian sia ni Clarie.

Habang tumatagal hnd ko nagugustuhan ang lahat hanggang sa kailangan ng pumatay para lang pangalagaan ang negosyong ito.

So I decided na bumukod dahil hnd ko masikmura makita ang ama ko na gumawa ng masama.

Pero dahil sa panggigipin ng grupong kinabibilangan ni dad ay minabuti kong palaguin ang lahat ng mga negosyong pinundar niya. Because I want to get rid of dad in the group he belongs to.

Pero hindi naging madali ang lahat. Maging ang negosyo namin ay unting unting pinababagsak ng mga kalaban na kompanya.

"hindi ko alam ang gagawin ko kung pati kayo ay mawawala sakin."

Tinignan ko ang dad ko na nakayuko , at napapansin ko itong umiiyak.

"patawarin mo ako anak dahil sakin ay pati kayo ay nadadamay"

"dad?"

"sinisisi ko ang sarili ko because your mom died because of me, wala akong kwentang asawa"

"dad don't say that mahal ka namin, alam mo yan..."

Tumingin si dad sakin , ang mga mata nito ay sobrang lungkot at halatang marami itong problema.

Naguguilty ako dahil hindi ko man lang siya na sosoportahan.

Pero hindi ko maatim na gumawa ng masama.

Ano ang gagawin ko?

"Raven anak?" pagtawag ni dad.

"dad?"

The Mafia Princess And The AssassinOnde histórias criam vida. Descubra agora