Chapter 15

16 4 0
                                    

Chapter 15 : WEDDING

Umaga palang ito ay pinagpapawisan na ako. Naka-aircon naman pero pinagpapawisan ako.Nakaayos na lahat. Sa ngayon ito ay napagusapan namin ni Xarissa ang panahon kung kailan sila nagkakilala at mga napagdaanan ng relasyon nila.

Nasa room kami dito sa hotel.

"I never thought that we still together even we have difficulties in our relationship before.. It's like a dream that we are going to married now." masaya niyang sabi habang inaayosan siya ng make-up artist. Dalawa ang nagayos sakanya ang isa sa buhok niya.

Mayamaya ay  may kumatok sa room niya.

"sweetheart are you done?" Xarissa's mom.

She came to our room.

"we almost mom"

"sophie? You need to  go there must be earlier "

Nakuha ko naman ang ibig sabihin niya kaya tumayo na ako at iniwan silang mag ina.

I was wearing a mint green chiffon bridesmaid dress. Maging ang bulaklak na parang korona sa ulo ay kulay puti  na pinaghalong mint mula sa dahon.

Nakarating din kami sa simbahan ng iba  ko pang kasama. Parang paraiso sa paningin ang simbahan dahil napuno iyon ng puting rosas. May nakatayong arko na puno ng bulaklak pagbungad sa loob simbahan hanggang sa umabot yun sa unahan. Puros puti at may kulay pink na bulaklak at sa dahon na mint green ang kulay.

Ang mga babae ay mint green ang kulay ng dress samatalang ang mga lalaki ay gray ang tuxedo at mint green ang tie mapa-bata man ay ganon pa din ang kulay. Samantalang si Benedict ay puros puti lang at ang bowtie nito ay itim.

Halos naghahahalo sa kulay puti at mint green ng kulay. Ang sarap sa paningin ng kulay na yon. Talagang napaghandaan ang lahat ng ito at pinagkagastusan talaga.

Minsan ko na ding pinangarap makasal ng ganto pero ang theme ay beach wedding.

Nakita kong lumapit si Marco malapit sakin. Nginitian ko na lang siya naparang walang nangyare kahit na parating ginugulo ng utak ko ang mga nangyare sa pagitan namin.

"hi" bati niya na iilang man ay nagawa pa din niyang maging casual.

" can we talk again after this?" nagdalawang isip pa muna ako bago ako tumango.

Mga ilang minuto lang din ay lumapit na ang organizer ng kasal hudyat nito ay magsisimula na ang kasalan. Humilera na kami at lumapit sakin si Marco. Siya kasi ang groomsmen dahil na rin siguro kagustuhan dalawang ikakasal. Expected ko na ang bagay na iyon kaya hindi na ako magugulat pa.

Naglakad kami dahan dahan at parehong naghiwalay ng side ng pupuntahan,hangga sa si Xarissa na ang mag isang naglalakad kasama ang kanyang ina dahil namayapa na kanyang ama. May malumanay na tugtog ang nagpapatindi ng emosyon.

Nakakaiyak ang eksena na iyon dahil habang naglalakad ang isa at ang isa nama'y nakatingin habang naghihintay sa magiging asawa , ramdam ko ang kasiyahan sa kanilang dalawa maging kay Benedict na panay ang punas sa mga mata. Inakay ni tita Brenda ang anak sa mapapang-asawa at nakita ko ang patungo ni Benedict kay tita Brenda saka nagyakap. Saka inabot ni tita Brenda ang kamay ni Xarissa kay Benedict.

Bago sila humarap sa pare ay nagyakap muna ito at inangkla ni Xarissa kamay sa braso ni Benedict.

Nagsimula na ang seremonya naging mahaba ang oras na iyon ngunit natapos iyon namasaya at puno nang pagbati. Hangga sa pagbato ng bulaklak ng bride. Hindi na ako nakisali pa , masaya akong nakatingin sa kanila sa tabi at puno ng saya para sa dalawang bagong kasal.

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now