Chapter 8

32 4 0
                                    

" i think I like you"

Para akong tangang nakatingin sa kanya. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. He think that he likes me.

Ano to love at first sight. Ganon ka bilis.

Ayaw kong paniwalaan lahat nang sinsabi niya. Pero halata sa mga mata nitong kulay brown ay hindi siya nagsisinungaling.

"nahihibang kaba?"

Yumuko lang siya.

"sana nga nahihibang lang ako" ramdam ko ang lungkot sa boses nito.

"sana nga nagkamali lang ako sa nararamdaman ko. Pero hindi eh para ako nababaliw hinahanap hanap kita lagi. Gumawa pa ako nang excuse para lang makita ka. Hindi ako ito eh pero dahil sayo nag babago ako. Nagiiba ako. Una palang kita nakita hindi ko na maiwasan na titigan ka. Parang hinahatak ako nang mga mata mo. Sa totoo lang ayoko maramdaman ito. Pero nung nakita kita kasama si Ian . Tang ina parang gusto kitang kunin sa kanya. Gustong gusto ko siyang suntukin."

Hindi ako makapagsalita. Kasi ramdam ko kung paano siya nagpipigil sa nararamdaman niya.

"at sa tuwing nakikita kita nagiging abnormal ang takbo nang puso ko."

"hindi kita gusto.. Kaya lumayo kana"
Nagulat siya sa sinabi ko.
Tumingin siya sa mga mata ko. Naawa ako sa kanya. Kasi alam ko kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon niya. Hindi kami pwede.

"gusto mo palang ako kaya lumayo kana habang hindi pa lumalalim yang nararamdaman mo"

Naging malungkot pa din ang mukha niya.

Naging tahimik kaming dalawa. Pakiramdam ko sobrang tahimik nang paligid. Kahit sobrang ingay dahil sa musika na pinapatugtog. Maging ang tawanan nang mga tao ay parang isang mahinang pagpatak nang tubig lang.

Tumayo si Raven saka tumingin sakin saka ngumiti ito. Sa puntong iyon nakaramdam ako nang sakit pakiramdam ko ang mga ngiti na iyo ay puno nang kasinungalingan lang. Ang galing niyang magpanggap na okay lang siya pero hindi makakapagsinungaling ang mga mata niya. Kitang kita sa mga mata nito ang sakit.

"i have to go and dont worry im okay malilimutan ko din itong nararamdaman ko sayo"

Tanging pagtango na lang ang naisagot ko.

If someone says that they okay means they not okay and if someone says nothing's wrong something must be wrong. Minsan kailangan nating maging open tayo sa totoong feeling na ibang tao.

Pero sa sitwasyon ko mas pipiliin ko nalang maging manhid. Dahil walang papatunguhan ang pag ibig na ito. Dahil sa simula palang hindi na tama. Hindi kami para sa isa't isa. At wala akong nararamdamang pagkagusto sa kanya. Tanging pagkamuhi sa pamilya niya ang nararamdaman ko.

Kaya mas maaga palang itigil na niya.

Pinagmasdan ko lang paglayo niya kasabay nang pagtutog nang isang kanta. Para tuloy ang bigat nang atmosphere.

Now, I don't want to lose you,
but I don't want to use you just to have somebody by my side.
And I don't want to hate you,
I don't want to take you, but I don't want to be the one to cry.

Tama I don't want to take you because I don't want to be the one to cry. Dahil kung sakaling may feelings ako sa kanya ako lang ang masasaktan.

And I don't really matter to anyone anymore.
But like a fool I keep losing my place and
I keep seeing you walk through that door.

Pinagmasdan ko lang siyang pumasok sa bahay nila.

Naiinis ako sa nararamdaman ko dahil na aapektuhan ang pagkatao ko ang lalaking iyon.

The Mafia Princess And The AssassinOnde histórias criam vida. Descubra agora