Chapter 26

6 0 0
                                    

Tinalikuran niya ako na parang di niya ako nakita. Pero bago siya lumayo ay lumingon muna ito, ngumiti siya. kinilabutan ako sa pagkakangiti niya. Kakaiba talaga, nagbibigay talaga siya ng kilabot sa katawan. Kahit pa sabihing gwapo siya di mo maiwasang matakot. Diko alam pero kinakabahan ako sa kanya. Ilang beses na ba ako natakot? diko na matandaan pero kasi ngayon ay talagang inuubos niya ang lakas ko dahil di ako makakilos , ni hindi ko nga magawaang kumilos nang ngumiti siya sakin. Pakiramdam ko yung ngiti na yon ang nagsasabing oras ng kamatayan ko. Parang gugustuhin ko pa atang hilingin ng mga oras na iyon na sana naging tama ang kutob ko na si Raven nga ang nasa harap ko.

" umalis kana habang wala pang nakakakita sayo, kung hindi ay baka dito kana paglamayan. Di mo alam ang ginagawa mo dahil sa pagligtas mo sa kanya ay magsisisi ka" makahulugan niyang sabi.

Nanginginig akong lumuhod ng tuluyan siyang nawala sa panangin ko. Para tuloy akong nasa paglilitis. Nakakakaba ng sobra, ni hindi ko na nga magawang magisip ng tama.

Pero nagulat muli ako ng makarinig ako ng paparating. Muli kong narinig ng ingay mula sa mga taong nakabantay kay Ian. Kahit na kinakabahan ako ay sinilip ko iyon , gusto kong malaman kung sino ang dumating.

Nagulat ako ng makita ko ang dalawang dumating si Raven at Serena. Nakakapit sa braso ni Raven si Serena na nakapustura pa. Kahit ata sa kanyang paglalakad ay napakaarte niya. Ano ba nagustuhan ni Raven dyan? Kung sa kagandahan lang naman ata ay mas maganda ako, pero lamang siya sakin ng kaartehan at kabobohan. Bobo niya dahil nakatakong siya dito sa lugar na maputik. Wala na akong pakialam magsama silang dalawa parehas silang walang kwenta.

Paatras akong umalis pero sa kamalas malasan ay nasanggi ko ang isang parte ng sasakyan na sira na, gumawa iyon ng ingay kaya todo na naman ang nararmdang kong kaba. Kaya mabilis na kumilos ang mga tauhan. Tatakbo na sana ako ng may dalawang lalaki na din ang dumating mula sa lugar kung saan ako dapat lalabas. Alam kong wala na akong takas kaya ng bunutin ko ang baril ay isa isa ko silang pinaputukan. Pero hindi na kaya ng baril ko ng parami sila ng parami. Gamit ang kamao ay pinagsusuntok ko sila at pinagsisipa. Parang di sila nauubos parami sila ng parami, natamaan na din ang kanang kamay ko namamnhid na sa sobrang sakit. Wala na akong magawa ng patamaan ako sa hita at binti ni hindi ko na magawang makatayo. Badtrip dapat nagsama man lang ako ng mga ilang tauhan, masyado akong nakampante sa sarili ko.Ang tanga ko!

"tignan mo nga naman nandito pala ang babaeng ito?" nakangisi niyang sabi naiirita talaga ako makita ang babaeng ito.

Wala man lang emosyon yung kasama niya na nakapulupot pa sa bewang ng babaeng Serena na ito! Tinignan ko siya na parang isinusumpa. Parehas sila ay sinusumpa ko sa isip ko ng matindi sa lahat ng sakit at pang gagago. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang. Bakit ko pa nakita ang dalawang ito? Banggitin nga nga lang yung pngalan nila ay kinasusuklaman ko na, makita pa kaya?

"dalhin niyo ang babaeng yan!" sigaw ng babaeng maarte na ito.

Inakay ako ng mga tauhan palapit sa katawan ni Ian na walang malay. Nang marahan akong ihagis sa kalapit ng katawan ni Ian ay sinandya kong bumagsak sa katawan ni Ian para magising ito. Wala na akong pakialam kung masaktan siya or what ang mahalaga ay alam kong okay siya. Hindi nga ako nagkamali ng magising siya sa sobrang sakit mukhang may tama ito sa kanyang tiyan at nadali ko kaya namimlipit siya sa sakit.

" Ian are you okay?" dadahan siyang umupo at lumapit sakin iniharang pa niya ang kanyang katawan kahit na ang dalawang braso niya ay nakatali. Parang sa paraan na iyon ay kaya niya akong protektahan.

Lumapit samin si Serena. "Stay away from us, don't you dare to hurt Sophie" nanghihinang sabi ni Ian. Nasa malayo si Raven na pinapalibutan ng tauhan. Nakatingin lang siya sakin. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya at mabilis kong inalalayan si Ian para ilayo sa gagawin sa kanya ni Serena. Muntik na niya itong sakalin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now