Chapter 20

15 0 0
                                    

Chapter 20 : SPG / R-18

Nagpaubaya ako sa halik niyang iyon. Halos hindi ako makahinga pero nagawa ko pa ding gantihan ang bawat malalim niyang mga halik.

Mula sa pagkakatagilid ay tinihaya niya ako at pumaibabaw siya sakin ngunit hindi siya bumibitaw sa paghalik.

Saglit siyang bumitaw habang magkadikit ang mga noo namin, parehas naming habol ang bawat hininga.

"please believe me, there's nothing between me and serina"

Nangunot ako sa sinabi niya. Wala daw siraulo ba siya e, magpapakasal na nga daw sila.

Pilit ko siyang itinulak paalis sa harap ko. Pero nagmatigas siya at tila consistent na paniwalain ako.

"yes your not the first person that I went out with, but you are my first love"

"wag mo nga akong lokohin, hindi mo ako maloloko sa mga salita mo na iyan"

Umalis siya sa harap ko at ginusot ang buhok na puno ng frustration ang mukha.

"nakakainis , ano ba gusto mong gawin ko para paniwalain ka -" pinutol ko ang sasabihin niya.

"wala kang dapat gawin dahil una palang wala naman tayo"

"pero Sophie mahal kita"

" naguguluhan ka lang "

Hinawakan niya ako sa balikat pilit na hinarap sa kanya pero ganon na lang ang pagiwas kong magtama ang mga mata namin.

"hindi ako naguguluhan"may diin sa bawat salita niya.

"sa tingin mo maniniwala ako sayo, bago lang yang nararamdaman mo, hindi mo nga kilala ang boung pagkatao ko tapos sasabihin mong mahal mo ako!? Kalokohan!"

Bumuntong hininga pa siya. Saka niya dahan dahan binitawan ang balikat ko.

Nakayuko siya. "mga bata tayo noon ni Ran, ikaw at si Ian ay sobrang malapit sa isa't isa. Samantalang kami ni Ran ay matalik na magkaibigan. Gusto na kita noon pa pero ayaw ng kuya mo sakin para sayo"

Nagulat ako sa mga sinasabi niya.

"kaya itinago ko na lang yung nararamdaman ko sayo pero habang tumatagal mas lalo ko lang iyon pinapakita kaya inilayo ka ng kuya mo sakin. Kung alam mo lang gaano kahirap sakin para makita ka noon. Pero isang araw nabalitaan ko na lang na namatay ka sa pagsabog kasama ng kuya mo, parang gumuho ang mundo ko noon. Naiinis ako sarili ko dahil hindi man lang ako napagbigyan ng pagkakataon na sabihin sayo ang katotohanan, na mahal kita"

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Nagulat pa ako ng tumingin siya sakin at ang mga mata niyang puno ng lungkot.

"kaya wag mong sasabihin na naguguluhan lang ako, dahil matagal ko ng nararamdaman ito"

"a-ano kasi.. Hindi ko naman alam"

"I know kaya nga sinasabi ko sayo para hindi mo sabihin naguguluhan lang na puro kasinungalingan lang sinasabi ko"

"ano ba ?! Parang nanunumbat ka naman, hindi ko alam kaya wag mo akong sisihin kung ganto maiisip at mararamdaman ko. Malay ko bang ganyan pala nararamdaman mo, isipin mo kakakilala palang tayo tapos ganyan" tapos kong sabihin yon tumalikod ako sa kanya.

Habol ko ang hininga ko, naririnig ko din ang bilis ng tibok ng puso ko.

"kaya sana maniwala ka sa sinabi ko sayo"

Naramdaman ko ang pag galaw ng kama

Pareho kaming tahimik, akala ko kanina ay aalis na siya.

"paano si Serena?"

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now