Chapter 7

34 5 0
                                    

Maaga akong nagising para sana mag ayos nang dadalhin namin sa batangas kung saan gaganapin ang reunion ng pamilyang mendez. Hindi ko na kasi nagawang maimpake kakaiyak kagabi siguro sa sobrang iyak ko napagod ako kaya nakatulog na lang ako. Hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako.

Pagkatapos kung asikasuhin ang mga dadalhin ko,naligo na ako. Isang backpack lang dala ko hindi ako nagdala nang maraming damit dahil dalawang araw lang kami doon. Dumiretsyo na ako sa kusina para mag almusal. Pagkatapos ay nagpahinga muna ako. Habanghinihintay ko si Ian nakaupo ako sa sala. Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Bigla na naman lumipad ang isip ko dahilan para maging malungkot ako. Naisip ko na magisa lang ako sa bahay, sobrang lungkot. Para kang mababaliw kulang na lang kausapin mo ang sarili mo para lang may makausap ka. Haha creepy para akong baliw.

Hindi na ako naghanap mg katulong para may makasama sa bahay. Ako lang naman magisa at sanay na ako lang ang umaasikaso sa sarili ko. Siguro kailangan ko nang sanayin yung sarili kong magisa. Kasi sarili ko lang ang makakatulong sakin.

Ipinatong ko ang paa ko sa sofa at yinakap ko ang mga tuhod ko saka pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko. Sa totoo lang kinakaawan ko ang sarili ko sa sitwasyon na yun. Nakakaawa ako dahil pinagkaitan ako ngayon nang pamilya. Kinuha sakin ang mga bagay na nagpapasaya sakin. Gaanon na ba ako kasama the way na mafeel ko ang gantong kalamig na pakiramdam.

Para na naman akong maiiyak. Namimiss ko sila mommy at daddy. Sana nabigyan pa ako nang panahon na makapaghanda sa gantong sitwasyon dahil hindi ako sanay na wala sila. Sana nakapaghanda ako. Sana nakapagsanay ako na mamuhay na wala sila. Kasi ang sakit sakit.

Gusto ko nang matapos nang paghihirap na ito.

Sa sibrang lalim nang pagiisip ko. Nagulat ako sa malakas na kalabog nang pinto.

Mabilis ako lumapit sa may pinto at nakita ko si Ian. At mukha alalang alala siya.

Nagulat ako nang niyakap niya ako.

"okay ka lang ba, kanina pa kita kinakatok .. Walang sumasagot"

Kanina pa pala siya kumakatok. Ganun na ba ako kamanhid para hindi maramdaman ang prisensya niya. Hindi ko namalayan na matagal na pala siyang kumakatok. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Saka humarap sa kanya.

"pasensya kana, hindi ko na rinig" saka ko nilabas ang phone at earphone ko.

Buti na lang nakahanap ako nang dahilan. Huminga naman siya na malalim. Nakayuko lang siya. Hindi niya ako matignan sa mga mata feeling ko talaga na nag alala talaga siya.

"sobra kasi akong nag alala kala ko na pano kana" saka siya humarap sakin. Ngumiti lang ako sa kanya para ipaalam na okay lang ako.

"you dont have to worry coz im okay"

Kinuha ko lang ang bag ko sa may sofa.

"lets go?" pag aaya ko sa kanya. Tumango lang siya saka niya kinuha ang kamay ko.

Inalalayan niya lang ako sa kotse niya.

Naging mahaba ang byahe namin bago kami nakarating sa bahay bakasyunan nang mga Mendez.

Nakita ko kung gaano kalaki yung bahay nila dito sa batangas. Sobrang laki. Inalalayan lang ako ni Ian papasok sa bahay nayun habang dala dala niya yung gamit namin.

"akin na yung bag ko baka nabibigatan kana"

Kukunin ko sana yung bag ko. Pero pinigilan niya lang ako.

"ako nabibigatan? Psh sa matcho kong ito" saka niya inangat ang braso niya saka niya pinakita yung braso niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wala talaga sobrang hangin talaga nang lalaking ito.

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now