Chapter 2

52 9 0
                                    


Justine POV

Pumasok kaming pareho ni kuya mark sa morgue kung saan na roon ang bangkay ni daddy at mommy.

Dahan dahan akong lumapit sa katawan nila. Dahan dahan kong inalis ang kumot sa mukha ng isa sa mga bangkay. Hindi ako makagalaw sa nakita ko. Sa sobrang bigat at hinagpis ang nadarama ko ng makita ko ang itsura ni mommy halos hindi na ito makilala dahil sa naagnas na ito. Nakilala ko lang siya dahil sa kwintas na niregalo ko sa kanya nung kaarawan niya. Bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko. Ang mga luha ko ay patuloy lang sa pagpatak. Napaluhod ako sa harap ni mommy.

"mommy!! Anong ginawa nila sayo!" sigaw ko habang nakaluhod. Habang ang mga luha ko'y patuloy sa pagpatak. Nahihirapan ako sa paghinga dahil sa bigat na nadarama ko. At mas lalong binigyan ako ng dahilan para maghiganti. Galit ang nadarama ko sa mga taong pumatay sa kanya.

Lumapit si kuya mark kay Daddy at tinanggal nito ang puting kumot na nakatalukbong rito. Kita sa mga mata ang mga luha nitong bumabaksak sa mga mata nito. Awa ang nakikita ko sa mga mata nito. Lumapit ako sa katawan ni daddy at nakita ko ang katawan nitong may tama ng baril sa ulo nito.

"magbabayad ang mga gumawa nito sa kanila" sabi ni kuya mark. Ramdam ko ang galit sa mga mata nito. Ang mga kamay nito ay nakakuyom ramdam ko ang galit niya.

"ipaparamdam ko sa kanila ang tunay na sakit" nanginginig ang mga labi ko dahil sa sobrang galit.

Pagbabayaran niyo ang lahat , ipaparamdam ko sa mga Mendez ang sakit nararamdama ko ngayon. Hindi ako titigil hanggat hnd niyo mapagbabayaran ang lahat ng ginawa niyo sa pamilya ko.

Umalis kami ni kuya sa morgue at inayos ang paglilibingan sa katawan ni daddy at mommy. Napagdesisyonan naming magkapatid na i-cremate ang katawan nila. Hindi na kami nag aksaya ng panahon para iburol pa ang mga ito. Gusto ni kuya mark na itago ang pangyayaring ito. Para walang makaalam sa mga nangyare sa mga magulang namin. Kung maaari para makakilos kami at para hnd kami paghinalaan sa mga gagawin namin.
Walang nakakaalam na nandito kami sa pilipinas. Wala ring nakakakilala sakin dito. Kaya malaya akong makakakilos para bantayan ang mga taong pumatay sa mga magulang ko at mabigyan sila ng hustisya.

...

Saktong pagpasok ko sa room nagsisimula na sila ng klase. Pagpasok ko ng room lahat sila nakatingin. Tumigil si Mrs. Sanchez sa pagsusulat sa board at humarap sakin

"im sorry mrs. Sanchez im late" saka ako yumuko.

"miss alcantara im remind you na hnd pwede sakin ang laging late." mahinahon ngunit may awtoridad niyang sabi.

"im sorry mam"

"you may sit down"

Tuloy tuloy akong umupo ng magtama ang mga mata namin ni Clarie. Ngumiti siya. Nginitian ko lang siya ng pilit. Pagkaupo ko ay bigla siyang humarap sakin habang nakangiti.

"im sorry for what happened yesterday nakalimutan kong magthank you, salamat pala sa pagligtas mo sakin." bulong niya sakin. saka ngumiti ng totoo.

Ngumisi lang ako "wala yun".

"Hindi ko akalain ang nangyaring iyon pala ang magiging dahilan para maisakatuparan ang lahat." na ngisi ako sa naiisip ko.

"Class quite !" sigaw ni mrs. sanchez.

"hehehe we talk you later" saka siya  humarap para makinig.

Sumandal ako sa upuan at pinagkrus ang mga braso. Tinignan ko si Clarie mula salikuran niya.

Mukha naman siyang mabait. Maarte lang siya sa pananamit. At na sisiguro akong wala siya nalalaman tungkol sa ginagawa ng pamilya niya.

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now