Chapter 24

5 0 0
                                    

"anong ginagawa mo dito?" iyon agad ang bungad sakin ni Ivan ng pumasok ako sa kwarto kung saan maraming mga computer na naroon at ang lahat ay nakamonitor sa lugar kung saan-saan.

"to help you?" maangan kong sagot. Hindi man lang niya ako nilingon.

Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang mga camera sa lugar ng boung bahay. Nakita ko pa ang pag alis ng sinasakyan ni lolo at iba pang mga tauhan.

Nang lingunin ko si Ivan ay abala ito sa kakapindot. Nakita kong sinusubaybayan niya ang pagalis ni lolo. Parang sa ganon niya pwede niyang maprotektahan si lolo.

"nakikiramay ako sa pagkawala ni Ives" tumigil siya saglit sa pagpindot.

Bumuntong hininga siya. Sa pagbuntong hininga niya ay mararamdaman mo talaga ang bigat non. Parang sa paraan na iyon ay maiibsan niya ang sakit sa dibdib niya. Pinipilit niyang maging malakas pero hindi maaalis sa mga mata nito ang lungkot.

At doon ay diko inaasahan na maglalabas siya ng saloobin niya.

" noong tangkain akong patayin ni Mark. Akala ko katapusan ko na."

iyon yung panahon nangplano sila kuya mark na pasabugin ang bodega ng pagmamay ari ni Don Ramon.

"Akala ko hindi ko na makikita ang kuya ko. Wala na akong pag-asa ng mga panahon na iyon kumbaga inaantay ko na lang mawalan ako ng buhay sa pagkakagapos na iyon. Umiiyak ako, hinihiling sa taas na ingatan niya ang kuya ko. Ayaw kong maghirap siya ulit. Sophie , ang dami naming napagdaanan. Lalo na ang kuya ko. Walang makikitang kahinaan sa kanya palagi siyang malakas dahil may pinoprotektahan siya. Mula ng maliit kami ay palagi niya akong pinagtatanggol at prinoproktektahan. Kaya gusto kong maging malakas dahil may pinoprotekhan ako. Alam ko tulad ni kuya ay handa siyang ibuwis ang buhay niya para maprotektahan kayo. Kaya iyon din ang gagawin ko. Kayo na lang ni Dad ang meron ako ngayon"

Natulala ako sa mga sinabi niya. Ang mga taong handang ibuwis ang buhay nila para sa mga taong minamahal nila.

At doon ko lang napagtanto, marahil ay ganon din ang iniisip ni Don Ramon at Raven.

Magkaiba man ng pamamaraan ay iisa lang ang layunin iyon ay protektahan ang mahal nila sa buhay.

"hindi ko hahayaan" seryosong sabi ko. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkalito. Marahil ay naguguluhan siya sa gusto kong sabihin.

"hindi ko hahayaan na itaya mo ang buhay mo para samin. Wag mong isipin na mahihina kami kaya namin protektahan ang sarili namin. Kilala mo si lolo, kahit siya ay ganto rin ang sasabihin sayo. Hayaan mo kaming protektahan ka, wag mong sarilihin ang lahat. Tulad nga ng sinabi mo  may pamilya kang pinoprotektahan. Pamilya kana namin kaya handa ka rin naming protektahan, Ivan." ngumiti ako para ipabatid ko sa kanya ang nais ko sabihin.

Natulala siya. Nakita kong naging masaya ang mga mata niya ng kahit konti.

"maraming salamat Sophie"

"pero anong gagawin mo kung may kinalaman nga si Raven sa lahat ng ito?"

Don na pumasok ang totoong problema. Ano nga ba ang mararamdaman ko kung sakaling may kinalaman nga siya dito?Kaya kaya niyang pumatay?

"hindi ko alam , Ivan."

Hindi ko alam dahil sa tuwing naiisip ko ay di ko na alam ang gagawin. Sumisikip ang dibdib ko.

Pero alam kong may dahilan, basta maramdaman ko lang na lahat ng ginagawa niya ay nasa tama. Patuloy akong maniniwala na hindi siya ang gumawa.

"kung ganon ay simulan na natin ang plano at hanapin si Ian." si Ivan.

The Mafia Princess And The AssassinWhere stories live. Discover now