Chapter 13

13 4 0
                                    

Dalawang araw na lang bago ang araw ng pag alis ko ng bansa. Babalik ako muli sa state para sa kasal ni Xarissa.

Kailangan ko ding pumunta ng mas maaga para hindi naman hassle.

Isa rin iyon sa mga naisip kong dahilan para makasama sa pag alis ni Ian papuntang China

Thursday na ngayon, pagdating ng friday don na ako maghahanda para sa paglipad pa puntang state.

Mas magandang makausap ko muna si kuya mark para hindi siya maghinala. Kakausapin ko din si Ian para sa china na kami magkita.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa bahay ni kuya mark. Sana ay nandito siya , hindi kasi nasagot sa tawag at txt ko.

Sumalubong agad sakin ang mga tauhan niya. Para pa itong mga nakakita ng multo ng makita ako.

"asan si kuya?" tanong ko sa isang tauhan ng makalapit ako sa pinto ng bahay.

"ah m-ma'am si sir po , .. A-no kasi" napapkamot pa sa ulo ito.

Hindi ako tanga  para hindi mapansin ang mga kinikilos niya. Alam kong may ayaw silang makita ako dito.

"kung ayaw mong sabihin ako na lang maghahanap" naiinis akong tinalikuran ang kausap.

Humabol pa din siya sakin at pilit na pinipigilan. Lumingon ako sa kanya ng hindi siya tumigil kakapigil sakin.Pero isang matalim na tingin lang ay agad siyang napayuko.

"yung mga ganyang kilos mo nakakahalata ako"  hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Batid kong alam niya ang tinutukoy ko. Wala siyang magawa marahil dahil alam niya ang magiging kahihinatnan ng pagsuway niya sa utos ni kuya mark. Kilala ko masaydo si kuya kaya alam ko ang mga pasikot sikot ng utak nito.

Naging mabagal ang aking pagkilos, hindi ko alam pero nakahalata talaga ako sa kilos na isang tauhan na iyon. May kung ano akong naramdaman na kakaiba. At Hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. Bawat pagdaan ko sa pasilyo ng bawat kwarto ay naging maingat ako. Para tuloy akong kriminal sa kinikilos ko.

Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikinig sa mismong opisina ni Kuya Mark. May mga kausap ito sa loob. Pero dahil mahina ang kanilang pinaguusapan ay hindi ko marinig masyado ang mga pinag uusapan nila. Mga ilang minuto lang ang tinagal ko sa pakikinig ng wala naman akong masyadong maintindihan. Kaya minabuti ko na lang na pumasok.

"Kuya?" pagbubungad ko. Pero ganon na lang kagulat ang mga itsura nila ng makita ako . Nakaupo sa unahan ng mahabang lamesa si kuya habang ang iba pang tauhan ay kanya kanyang pwesto may mga nakaupo at ung iba ay nakatayo at nakasandal sa ding ding. Parang ganon na lang kaseryoso ang pinaguusapan nila. Si Charlie naman nasa kaliwang bahagi na malapit sa pwesto ni kuya habang kumportableng nakaupo. Pero ng pumasok ako ay parang mga nakakita ng pinakamataas pa sa katayuan ng kuya ko na kailangan nilang bigyan ng galang. Mga naka ayos ng tayo at upo ang mga ito.

Napailing ako sa naging kilos nila.

"aba para naman bago sa inyo ang itsura ko? " natatawang sabi ko. Pero hindi ko pinahalata na kakaiba para sakin ang mga kinikilos nila.

Para silang mga kriminal na nahuli sa akto.

"kanina ka pa ba dyan?" kabadong tanong ni Kuya.

"medyo"  mabilis kong sagot. Na nagpabalisa sa lahat.

Ngumisi ako "may tinatago ba kayo?" walang alinlangan kong tanong.

Mabilis ang paglapit ni kuya sa pwesto ko na hindi umalis sa pagkakatayo sa pinto.

Hinatak niya ako palapit sa upuan, tinapik niya pa ang isang tauhan para lang paalisin don at don ako pinaupo.

"a-ano tine k-kasi" tinawanan ko na lang.

The Mafia Princess And The AssassinМесто, где живут истории. Откройте их для себя