Chapter 1

112 13 2
                                    

AN: Third installment of Sitio Series. May you enjoy your stay in Sitio Buka/Ibuka.

﹌﹌﹌


SL 1| Bundok

Hindi nila ako gusto kasi isip bata ako. Sabi nila ang pangit ko raw para maging kaibigan nila. Pero bakit?

Napabuntong hininga ako at masayang naghintay sa may gate ng school namin. Unang beses kasi akong inaya nina Stacy na sumama sa kanilang pumunta sa bundok. Walang may gusto sa akin sa school madalas at tampulan ako ng asaran o kaya nama'y napapahiya dahil daw sa sarili kong katangahan.

Sinubukan kong lumaban pero walang naniwala sa aking biktima lamang ako. Walang naniwala. Ayaw ko na ring magsumbong dahil makakadagdag na naman ako sa sakit ng ulo nina Tita Mercedes.

“Tara na!” Sigaw nina Stacy agad ko namang binilisan ang paglalakad para makahabol sakanila pupuntahan namin ang sikat na bundok sa Sitio Nganga, maganda kasi roon. Masaya silang magkwentuhan habang ako'y parang tutang nakasunod.

Naalala ko ang bawat salitang binitawan ni Tita Mercedes. Malas nga ba ako?

“Tanginang 'yan! Ako ang sumalo sa batang 'yan! Ang dami ko ng anak nagdagdag pa kayo ng palamunin dito!” Sigaw niya, napatakip nalamang ako ng tenga habang natigil sa paglalaba ng kanilang labahan.

“Mercedes maawa ka naman sa bata kakamatay lang ni Ernesto sumunod namang na comatose si Celia. ” Pagpapakalma ni Tiyo Badong.

“Ay ewan! Wala na akong pera pangtustos diyan sa batang 'yan! Bakit ba kasi hindi nalang kayo gumawa ng ibang paraan! Ako pa tuloy ang pineperwisyo niyo!” Saad niya, pinagpatuloy ko na ang pagkusot sa puting damit. Madiin at napapabilis hanggang sa namalayan kong nagsisipatakan na pala ang aking mga luha.

Ilang taon lang naman siya sa inyo sinabi naman na ni Karina na siya na ang aampon sa bata.. May ginagawa lang ito sa ngayon..” Ani Tiyo Badong.

“Buti naman! Kung sana'y binabayaran niyo ako bakit ba naman kasi hindi nag-iisip 'yang Ernesto mamatay nalang at ang dami pang iniwan na perwisyo!”

Pinagpasapasahan ako ng mga kamag-anak ko kung hindi ako pagsasalitan ng hindi maganda minsan ay pinapalo o kaya nama'y pinapamukha nila sa aking isa akong malas sa mundong ito.

Namatay si papa sa construction site walong taong gulang ako noon at ng mabalitaan 'yon ni mama na atake ito sa puso dahilan para ma-comatose siya. At ako, doon na nagsimula ang lahat.

“Bilisan mo naman Dorothy! Ano ba 'yan! Bitbitin mo nga ito para may silbi ka naman!” Galit na sabi ni Stacy at inabot ang may kabigatang bag niya sa akin nagsimula na kaming umakyat sa bundok. Matarik at may pagkadulas ang daan dahil hindi pa gawa ang parang hagdanan papunta sa taas.

Nagseselfie sila... Gusto kong sumama sa litrato pero baka hindi naman ako pwedeng isama.. “Aray!” Daing ko ng mapasubsob sa may damuhan, galit na sumigaw ulit si Stacy dahil nahulog ang bag nito.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now