Chapter 25

56 6 1
                                    

A/N: Hi! Sitio Series 4 is posted!

I'll edit and revise some chapters soon.


Secret lover

Napangiwi ako at natawa, hindi ko naman alam na kagaya ko’y medyo paniwalain pala si Rossweisse. Ni hindi man lang nagtanong sa iba kung magjowa ba si Feitan at Deiry! “Joke time iyon. Nagbobonding kami,” nakanguso kong katwiran.

Problemado si Deiry ni hindi nga niya kayang magsungit dahil sa nangyari kahapon. Umamin kasi. Inamin na ni Rossweisse na gusto nito si Deiry sa gitna ng ulan. May bayag naman pala siya, medyo matapang kumpara sa ibang mga lalaking nagkakagusto kay Deiry kaso hindi umaamin dahil takot na matarayan o hindi parehas ang nararamdaman.

Bakit iyong ibang tao kapag nagkagusto automatic na dapat kapag aamin parehas kayo ng nararamdaman? I mean hindi porket gusto mo siya ay parehas dapat kagaya ko, gumagawa ng paraan upang maging parehas dahil sa una pa lamang ay bukas ako sa realidad na hinding-hindi niya ako magugustuhan kung wala akong gagawin.

Deiry hissed. “I didn't expect it! Pwede niyang sabihin sa maayos na lugar at pagkakataon hindi iyong biglaan!” Anito.

I wiggled my eyebrows, teasing her. “Patingin nung ‘di inexpect. ” Inis siyang napasapo ng ulo. “Baka kaya ganoon yung epekto kasi gusto mo rin si Rossweisse siguro ‘di mo lang pansin.”

“Me? Will like someone?” Deiry shook her head, “I’m not bound to be like and to like someone Dorothy. We knew the truth that nobody likes me because my attitude sucks and my whole being like what my mother told me.”

I sighed at what she said and just awkwardly laugh. Wala na akong magagawa dahil iyon ang nakatatak kay Deiry, iyon kasi lagi ang sinasabi ng mama niya magmula noon. Maybe the scar won't be healed easily.

Deiry stood up ready to order another mami when her grip on the bowl suddenly losses, “ayos ka lang?!” Taranta kong sabi nilapitan ito. “Dei?” Tanong ko ulit, hindi siya nakagalaw para bang hirap na hirap intindihin ang sasabihin ko.

Ilang minuto bago siya gumalaw, nakurap-kurap pa. “U-Uh, I-I think I saw someone.. P-Parang nakita ko si Lola?” Aniya, “I should go back.. B-Bigla akong kinabahan.. Parang.. parang may mali?” She's sweating bullets.

I nodded. “Sige, sasamahan kita...” We paid for our orders and rode a jeepney immediately. I was holding her hands who's colder than usual.

Bakit ganito?

Nasa gate pa lang kami ay nadatnan na si Feitan na yakap-yakap ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa may pader. Nanlambot ako, may ideya na sa mga nangyayari. Walang imik na nilapitan siya ni Deiry isa-isa ring nagsilabasan sa loob ng bahay ang mga kamag-anak nilang umiiyak.

“A-Anong meron?” Garalgal ang boses ng kaibigan ko, “p-prank ba ‘to? Nasaan ang camera?” Anito. Iyak lamang ni Feitan ang maging sagot sa kanyang tanong, “h-hoy.. S-Sumagot ka..”

Feitan continued to cry, clenching his shirt. “D-Dei.. Si lola.. Si Lola..” Paulit-ulit niyang sambit, “h-hinahanap ka niya kanina..”  A tear fell on my cheeks, I covered my mouth as I cried silently. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now