Epilogue

110 3 3
                                    

G R E M O R Y

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


G R E M O R Y

"Dito na tayo titira," nakangising ani mama. "Hmm," pagsusuri niya sa kabuuan ng lugar. Parang compound ang dating may tatlong bahay na malalaki at hektaryang lupain.

Sa harap ng higanteng gate na para bang ang hirap hawakan dahil sa kulay ginto nitong itsura. Lunok laway kaming magkahawak kamay ni mama papasok, hindi na ako magugutom tapos kasama ko pa si mama.

Gusto kong kasama si mama..

Kaharap ang lalaking nakaporma ng mamahaling damit ngumiti ito nang makita kami ni mama.. Saglit nagtama ang paningin namin, mukha siyang mabait..

Nakangiti ang lalaki at nilapitan si mama. "Fiona," tawag nito. "I'm happy that you finally decided about my proposal." Tumango si mama at mahinang tumawa. Iginaya kami nito sa loob ng malaking bahay ito kasi ang unang pagkakataong nakatapak ako sa ganitong kagandang bahay ang sabi kasi ni mama ay huwag basta-basta papasok sa mga lugar na mukhang mahal..

Magkahawak kamay pa rin kami ni mama habang sinusundan ang lalaki, tumingala ako, ang mga mata ni mama parang nakakatakot... Parang malungkot... Bakit? Ayaw niya ba akong makasama?











Ang bait niya... Sabi ni mama siya na ang bagong papa ko lagi niya kasi akong binibilhan ng toys pero malungkot pa rin ako.. Si mama kasi hindi ko kasama sa malaking bahay.
Parang ako lang mag-isa.

"Bago ka rito? Ikaw siguro bago naming kapatid no?" Tanong ng kaedaran kong bata habang dinidribble ang bola sa malaking garden, nakaupo sa may duyan may playground kasi sa bahay na 'to at lahat ng nakatira ay kapwa ko bata. Tatlong bahay kasi lahat ang meron iyong isa hindi ko alam kung para saan, habang iyong sa isa roon lagi si mama at itong pangatlong bahay puro bata kagaya ko.. "Bait ni papa, no? Binilhan kami toys!" Tumango ako 't nanatiling tahimik.

Mabait nga siya pero masakit sa heart niaagaw niya kasi si mama..

"Ayaw mo sali sa amin?" Tanong niya habang pinupunasan ang tumutulong sipon, umiling ako. "Ikaw bahala sabi ng mama ko bawal lalaro rito e, kaso kita ko daming bata naglalaro kaya gaya ako sakanila.." Patuloy niyang sabi.

Maraming bata, mukha silang happy. Pwede siguro ako makipag friends hindi naman magagalit siguro mama ko, no? Tatampo lang kasi ako 'di niya ako dalaw dito sa bahay... Pero love ko pa rin siya.

"Okay, tara. Ano lalaro natin?"

"Edi ball!"













Sinapo ko ang noo sa konsimisyon kay Genevorld ang sabi ay invited kami sa party mamaya pero heto siya at nagtatatakbo. "Genevorld!" Saway ko, "isa! Madudumihan ka!" Nang mapansing tumaas na ang boses ko'y takot itong tumigil sa pagtakbo at napirmi sa iisang lugar pagkuwanay binalingan ko naman si Genevieve sa tabi ko na masayang nilalaro ang teddy bear na regalo ko sakanya.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now