Chapter 2

85 12 1
                                    

SL 2 | The new boy in the neighboring Sitio

"Ano ba iyan Dorothy! Tignan mo itong matsa! Hindi natanggal sa paglalaba mo! " Malakas na itinapon ni tita Mercedes ang puting bestida ng aking pinsan na si Betty. "Anong susuotin ni Bet bukas?! Iyang katangahan mo na naman ang pinairal mo! Hala sige! Huwag kang kumain ng magtanda ka! Alis!"

Hindi ako nakakain kagabi dahil hindi nila ako tinirhan ng ulam at kanin, gustuhin ko man magluto eh wala na ring bigas sina Tita. Nakayuko akong umalis sa bahay nila, papalamigin ko muna ang ulo nito bago bumalik. Mabuti nalang ay nakaligo na ako. "Pero sinuot ulit iyon ni Betty.." Bulong ko sa sarili. Alam ko sa sarili kong wala ni isang matsa iyon dahil kalalaba lang nakita ko kahapon si Betty na sinuot iyon at pinagphotoshoot kaya siguro narumihan. Sa tagal ko ba namang nakikipaglaba hindi ko pa alam?

Palakad-lakad lang, walang laman ang tiyan at wala ring laman ang bulsa. Magtutubig nalang ako. Nakikitira sa mga kamag-anak kong umaasa sa life insurance ni mama, narinig kong kaya ako kinuha ni Tita Mercedes ay para sa pera. Kung sakali man daw na mamatay na si mama at hindi na magising sa pagkakacomatose ay sakanya ang bagsak ng pera na para sa akin dahil siya ang guardian.

Dinala ako ng aking paa at pag-iisip kung saan-saan, makulimlim ang umaga at masarap sa pakiramdam. Kailan kaya magigising si mama? Miss ko na siya, gustuhin ko mang makadalaw sa hospital ay hindi pwede. Wala akong pamasahe.

Ito ang katotohanan, malayo sa mga imahinasyon ko bago matulog. Parehas kami ni Cinderella ngunit hindi ako ulila, sadyang nasa ibang lugar si mama at nagpapagaling. Napunta ako sa kamag-anak na alila ang turing sa akin at kung pagmalupitan ay hindi kadugo.

Nakakaumay. Gusto kong umalis, mabuhay mag-isa pero paano? Parang ibinikti ko na rin ang sarili. Ang hirap, sobra. Bahala na.

Hindi ko namalayang nakalakad na pala ako hanggang sa arko ng Sitio Buka/Ibuka, napatingala ako sa nakasulat.

Welcome to Sitio Buka/Ibuka!
Huwag nang mahiya, buka lang ng buka!

Napasapo ako ng noo, "itaga mo ito Sitio Buka! Kapag ako yumaman at naging sikat promise bibilhin ko ito tapos papalayasin ko lahat ng inapi ako!" Ani ko na parang nawawala na sa sarili. "Kapag dumating na ang panahong kaya ko ng makipag-sagutan ng hindi umiiyak," tumawa ako. "Ah! Katapusan niyo na nga bitches!"

Nilagpasan ko na ang Sitio namin at napagpasiyahan ko nalang na pumunta sa Sitio Nga-Nga. Walong Sitio na parang bastos o kaya nama'y nakakapanlaki ng mga mata ang pangalan. Kaming lahat na mga bata dito, iisa lang ang tanong.

Sino ang nagpangalan sa mga Sitio?

"Dorothy!" Kaway nila Achie, isa sa mga batang kalye kasa-kasama nito si Ernesto, Gabo, Betong at Totoy. "Hello!" Napangiti ako at lumapit sakanyang lugar, maganda si Achie at kung aayusan ay pwede itong isali sa mga pageant. "Kumain ka na?" Tanong nito, sasagot palang sana ako ng oo pero inunahan na ako ng aking tiyan. "Upo ka na dito! Libre ko, nakarami ako sa bakal bote kanina eh.." Sabay ngumiti, napailing nalang ang apat na lalaki sakanya.

Kahit nahihiya ay sumunod nalang ako dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom. Nakilala ko sila Achie noong nasangkot sila sa nakawan, saktong nakita ko na pinagbibintangan sila ng kahera kaya nama'y nagsabi ako ng totoo. Hindi lahat ng batang kalye ay masasama, mula noon paminsan-minsan ay nagkikita kami. Turing namin sa isa't isa ay parang magkakapatid.

"Achie, magtira ka ng pera mo. Huwag mong ilibre lahat.." Paalala ni Gabo kaya napayuko ako.

"Hoy huwag kang ganiyan Gabo, " ani Achie at inabot ang mangkok ng mami sa akin. "May pera naman ako dito at saka gutom na si Dorothy baka nga hindi ito pinakain ng tita niya. " Nagpasalamat ako, "sabi na sayo sumama ka nalang sa amin.. Mahirap pero masaya kaysa naman sa mahirap tapos pahirap pa mga kamag-anak mo!" Ungot nito.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now